Netizen, 'di naiwasang mahabag sa lagay ng mag-amang naisakay sa daan

Netizen, 'di naiwasang mahabag sa lagay ng mag-amang naisakay sa daan

- Hindi nga naiwasan ng isang netizen ang mahabag sa kalagayan ng mag-amang kanyang naisakay at nakilala

- Ayon sa social media post nito, naglalakad ang mag-ama pauwi sa kanilang lugar matapos humingi ng tulong sa kanilang kamag-anak dahil sa sobrang hirap

- Napag-alaman din nito na na-impound ang tricycle ng mga ito na pang-hanapbuhay ni tatay matapos tumulong sa mga na-stranded na traffic enforcer

- Maging ang mga netizens ay naantig din ang kalooban sa sitwasyon at istorya ng mag-ama na biktima lamang ng kahirapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa libo-libo ang shares at reactions ang Facebook post ng FB page na EXPAT WORLD Philippines dahil sa nakakalungkot na istorya ng mag-amang naging biktima ng pandemic.

Dito, ibinahagi ang post ng netizen na si Emong Ocampo na 'di naiwasang mahabag sa kalagayan ng mag-amang kanyang naisakay at nakilala.

Habang nasa daan ay nakilala nito ang tatay na si Juanito Cruz na residente sa Barangay San Jose Antipolo City.

Pauwi na raw sa kanilang lugar ang mag-ama matapos humingi ng tulong sa kanilang kamag-anak dahil sa sobrang hirap ng kanilang buhay dulot na rin ng pandemic.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman din nito na na-impound ang tricycle na pang-hanapbuhay nito matapos tumulong sa mga na-stranded na traffic enforcer.

"Di na po daw nya alam kung pano pa po nya bubuhayin ang kanyan anak dahil po daw ang tricycle nya na pinapasada ay na impound sa kadahilanan na sya po ay nahuli. Hinuli daw po sya ng enforcers ng antipolo.
"Sya po ay Hinuli dahil sya po ay nagmalasakit din mag sakay na naglalakad NG mga enforcers din ng antipolo," ayon sa post ni Ocampo.

Lumapit na rin daw si Tatay Juanito sa kanilang barangay para humingi ng tulong ngunit nabigo rin ito.

Maging ang inaasahang ayuda mula sa social amelioration program ng gobyerno ay nabigo rin ito.

Dahil labis na naawa si Ocampo ay nag-alok na ito ng tulong pinansiyal para matubos ni tatay Juanito ang kanyang tricycle.

Maging ang mga netizens ay naantig din ang kalooban para sa mag-ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel