4 sa 6 na tsuper nakalaya na; dalawa sa kanila, balik kulungan

4 sa 6 na tsuper nakalaya na; dalawa sa kanila, balik kulungan

- Apat lamang sa anim na inarestong tsuper ang tuluyang nakalaya

- Tinulungan sila ng grupong Piston upang makapagpiyansa ng ₱3,000 bawat isa sa anim na tsuper

- Subalit apat lamang sa kanila ang tuluyang nakalaya habang ang dalawa ay pinabalik muli ng detention cell

- Isa rito ang pinakamatanda sa anim na may edad 72-taong gulang na kinakailangan pa ng clearance ng korte bago tuluyang makalaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang nakalaya ang apat sa anim na jeepney driver na inaresto matapos na sila'y sinasabing nagsagawa ng protesta noong nakaraang linggo.

Nalaman ng KAMI na mismong si Caloocan City Representative Edgar Erice ang nagbahagi sa kanyang Facebook ng magandang balita ukol sa paglaya ng anim.

Tinulungan sila ng grupong Piston upang makapag-piyansa ng halagang ₱3,000 bawat isa sa kanila base sa ulat ng Philippine Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit matapos ang ilang minuto lamang ng paghihintay para sa kanilang clearance, pinapasok muli sa detention cell ang dalawa sa kanila.

Isa na rito ang pinakamatanda sa kanilang si Elmer Cordero, 72-anyos na mayroon daw kapangalan at may kasong estafa ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Kaya naman imbis na tuluyan nang makaalis, isa pa muling clearance ang hihintayin niya mula sa korte kung mapatunayang hindi siya ang Elmer Cordero na may kaso.

Mariing itinanggi naman ito ni Cordero at hindi raw siya ang taong ito na mayroong nakabinbing kaso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nilinaw din nilang hindi umano protesta ang kanilang isinagawa sa Caloocan kundi paghingi lamang ng kaunting tulong para sa kanilang kumakalam na sikmura.

Sa unang ulat ng KAMI nasabing labis na rin ang pag-aalala sa kanila ng kanilang mga kaanak lalo na at patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, ang iba pang jeepney drivers ay patuloy namang umaapela sa pamahalaan na payagan na umano silang magbiyahe dahil wala na silang maipantustos sa kanilang pamilya ayon sa ulat ng GMA News.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel