Manny Pacquiao, nagpahayag ng balak niyang pagtakbo bilang presidente sa eleksyon 2022

Manny Pacquiao, nagpahayag ng balak niyang pagtakbo bilang presidente sa eleksyon 2022

- Nagpahayag di umano ng balak na pagtakbo bilang presdente ng bansa si Senator Manny Pacquiao

- Base ito a naging pahayag ni Bob Arum kung saan inimbitahan siya ni Pacquiao sakaling manalo raw siya bilang presidente

- Hindi raw ito ang unang beses na nabanggit ni Arum ang nalamang balak na pagtakbo ni Pacman sa pinakamataas na tungkuling sa bansa

- Ngunit matatandaang sa isang panayam sa Boxing Senator matapos ang laban niya kay Adrien Broner noong 2019, binabulaanan niya ang pagtakbo silang pangulo ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang pangalan ni Senator Manny Pacquiao matapos na kumalat ang plano di umano nitong tumakbo silang Pangulo ng Pilipinas.

Sa ulat ng Inquirer Bandera, nabanggit ng dating promoter ni Manny Pacquio na si Bob Arum kay WBC president Mauricio Sulaiman ang balak niyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

“I did a Zoom telephone call with him, ‘Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration," ayon kay Bob base sa ulat ng The Sun.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nalaman ng KAMI na noong 2015 pa lang, una nang nabanggit ni Arum ang sinabi raw sa kanya umanong plano ng boxing senator na pagtakbo sa eleksyon 2022.

Ito ay matapos niyang maisakatuparan ang pagiging senador ng bansa sa pagtakbo niya noong 2016 elections.

“He is going to be a president. He is going to run for the Senate of the Philippines in 2016 and then 2022, or maybe later, he’ll run for president," pahayag muli ni Arum.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit matatandaan na sa panayam kay Pacman matapos ang laro laban niya kay Adrien Broner, pinabulaanan niya ang maugong na balitang balak niyang maging presidente ng bansa.

Si Manny Pacquiao ay maituturing na isa sa pinakamahuhusay na boksingero sa mundo. Pinasok din niya ang mundo ng pulitika sa bansa kung saan kasalukuyan siyang nagsisilbi nilang isang senador.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel