Live na live! Eat Bulaga, nagbabalik sa ere matapos ang halos tatlong buwan

Live na live! Eat Bulaga, nagbabalik sa ere matapos ang halos tatlong buwan

- "Live" na muling mapapanood ang longest-running noontime show na "Eat Bulaga" simula ngayong araw, June 8

- Muling nagpakita ng kakulitan at nagparamdaman ng kasiyahan ang mga EB Dabarkads sa pagbabalik nila sa ere

- Matatandaang Marso 9 nang magpalabas sila ng ng programa na walang live studio audience bilang pag-iingat sa COVID-19

- At ilang araw lamang ang lumipas ay inilagay na ang Luzon kabilang na ang Metro Manila sa enhanced community qurantine kaya hindi na sila naisa-ere mula noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nagbabalik sa ere ang longest-running noontime show na Eat Bulaga ngayong araw, Hunyo 8.

Sa kanilang Facebook page, pinasilip nina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Alden Richards, at Wally Bayola ang kanilang paghahanda sa muli nilang pagbabalik sa studio para sa 'live' telecast ng Eat Bulaga.

Kapansin-pansin sa binahagi nilang larawan ang mahigpit nilang pagsunod sa safety protocols bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Hindi rin lahat ng EB family ay nasa studio ngunit nakisaya pa rin sila sa pamamagitan ng video call mula sa kani-kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang Marso 9 nang i-anunsyo ng 'longest-running noontime show' na wala muna silang studio audience alinsunod sa social distancing na pinatupad ng pamahalaan.

Ilang araw lang mula nito, isinailalim na sa enhanced community quarantine ang Luzon kaya naman natigil pansamantala ang paboritong programa sa pananghalian mula noong Marso 16.

At matapos ang halos tatlong buwan, muling nagbabalik ang makukulit at masayahing Dabarkads na mapapanood pa rin sa GMA.

Live din silang tinutukan sa kanilang Facebook page kung saan mahigit 950,000 ang mga nakapanood.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Eat Bulaga ay unang isina-ere noong Hulyo 30, 1979 kaya naman magdiriwang na ito ng kanilang ika-41 anibersaryo ngayong taon.

Kasama pa rin nila ang orihinal na hosts ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel