Sultan Kudarat Pride, todo rampa kahit nagbubuhat ng isang sakong bigas

Sultan Kudarat Pride, todo rampa kahit nagbubuhat ng isang sakong bigas

- Viral ang mga larawan ng ilang miyembro ng LGBT community sa Sultan Kudarat na nag-boluntaryong tumulong sa kanilang komunidad

- Magre-repack sila ng mga relief goods at ginawa nila ito para maibsan ang bagot habang ginagawa nila ito

- Kahit naka-heels at todo costume, maayos pa rin nilang nabubuhat ang isang sakong bigas na may kabigatan

- Maraming netizens ang humanga sa kanila dahil hindi lang sila nakatulong, nakapagpasaya pa sila ng kanilang mga mga kababayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang nakakaaliw na ilang miyembro ng LGBT na nagboluntaryong mag-repack ng relief goods sa Sultan Kudarat.

Suot ang kanilang costumes, gown at high heels, todo rampa ang mga "beki" habang nagbubuhat ng saki-sakong mga bigas.

Sadyang nakakaaliw silang tingnan dahil todo project pa rin ang mga ito kahit may kabigatan ang kanilang binubuhat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panayam ng ABS-CBN News sa isang volunteer na si Britney Sujede, naisipan daw niyang mag-costume upang maibsan ang bagot sa pagre-repack.

“Hindi lang kami basta bakla lang, dahil kami ay may maiaambag din sa komunidad,” dagdag pa ni Britney.

Maging ang kanilang mga kasama sa pagre-repack ng relief goods ay nawili sa ginawa na ito ng mga "beki."

Samantala, umani rin ang mga miyembro ng LGBT na ito ng papuri mula sa mga netizens.

Mabuti pa raw ang mga ito, bukod sa nakakatulong, nakakapaghatid pa ng kasiyahan lalo na at ang mundo ngayon at nababalot ng takot at lungkot dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Gagaling nmn po ninyo.. Salute po aq sa inyong lahat"
"At least nakatulong sila, napatawa pa nila ang mga kasama nila sa pag-repack"
"Bongga ang mga ito, kahit naka-heels rampa pa rin sa pagbubuhat ng isang sakong bigas"
"Aliw siguro kasama itong mga ito.. saludo po kami sa inyo dahil sa ganyang paraan, nakatulong pa rin kayo sa inyong komunidad"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel