Frontliner na pinaghinalaang may COVID-19, ini-lock sa sariling bahay

Frontliner na pinaghinalaang may COVID-19, ini-lock sa sariling bahay

- Ikinulong sa sarili nitong bahay ang isang frontliner kasama ang pamilya nito matapos mapag-hinalaang mayroon itong COVID-19

- Dahil dito, arestado ang limang barangay officials na siyang sangkot sa naturang insidente

- Ayon sa lumabas na ulat, nang malaman ng mga suspek na mino-monitor ang frontliner dahil sa virus ay ini-lock ng mga ito ang pinto ng bahay ng mag-anak gamit ang kahoy at metal wire

- Nahaharap ang lima sa mga kaso dahil sa paglabag sa Anti-COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020, Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at Article 124 of the Revised Penal Code on arbitrary detention

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sapilitang ikinulong sa kanilang sariling bahay sa Barangay 538 sa Sampaloc, Manila ang isang frontliner kasama ang asawa at mga anak nito matapos paghinalaang mayroon silang coronavirus.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin (Author, Minka Klaudia Tiangco) ang biktima ay nagsisilbi ng pagkain sa mga pasyenteng nag-da-dialysis.

Nag-positibo umano ito sa COVID-19 sa Quezon City.

Nang malaman ng mga suspek na mino-monitor ang frontliner dahil sa virus ay ini-lock ng mga ito ang pinto ng bahay ng mag-anak gamit ang kahoy at metal wire.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, arestado ang limang barangay officials na siyang sangkot sa naturang insidente. Kinilala ang mga ito na sina Bobby Biason, 48, at Marvin Simbahan, 27, mga barangay councilors; Ferdinand Gatdula, 56, barangay executive officer; at Epifanio Rempis, 49, at Jesus Dela Cruz, mga tanod.

Napag-alaman ng KAMI na bago pa man sapilitang i-lock ang biktima sa kanilang bahay ay sumailalim ito sa polymerase chain reaction (PCR) test.

Nang malaman umano nito na negatibo ang resulta ng kanyang test ay nagpaalam daw ito na kukunin ang result pero hindi na ito pinayagan pa ng mga suspek.

Nahaharap ang lima sa mga kaso dahil sa paglabag sa Anti-COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020, Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at Article 124 of the Revised Penal Code on arbitrary detention.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel