Special ID para sa mag-asawang magka-angkas sa motor, isinulong

Special ID para sa mag-asawang magka-angkas sa motor, isinulong

- Isinusulong ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na magkaroon ng special ID ang mga mag-asawa para payagang magka-angkas sa motor

- Ayon sa kongresista, hindi lahat ng mamamayan ay may kakayahang magbayad ng taxi o Transport Network Vehicle Services

- Dati nang sinabi ng DILG na maaaring mahawaan ng virus ang angkas o ang driver

- Pero giit ni Ong, mas mahirap umano para sa gobyerno kung mag-commute ang nahawa dahil mas iba't ibang tao na ang nakasalamuha nito sa daan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinusulong ni Ang Probinsyano Representative Ronnie Ong na magkaroon ng special ID ang mga mag-asawa para payagan ang mga ito na magka-angkas sa motor ayon sa ulat ng Inquirer.

Maaari raw magbigay nito ang Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

At upang maiwasan ang pangongopya nito, pwede rin daw na kunin ang serbisyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na siyang maaaring gumawa ng electronic passes.

Dagdag pa nito, dapat din daw na isaalang-alang ng IATF-EID ang mga mamamayang walang kakakayahang magbayad ng taxi o kaya naman ay Transport Network Vehicle Services.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sana naman maintindihan ng Task Force na hindi lahat ng mga kababayan natin ay may sariling kotse o may kakayahan na magbayad ng taxi o kaya ng ating mga TNVS.

"Kailangan nating mabigyan ng ligtas na alternatibong transportasyon ang mga kababayan natin. Sobrang bugbog na po ang karamihan sa atin dahil sa Covid pandemic.

"Bigyan naman natin sila ng kaunting konsiderasyon," ani Ong.

Dati nang sinabi ng Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maaaring mahawaan ng virus ang angkas o ang driver.

Pero giit ni Ong, mas mahirap umano para sa gobyerno ang contact tracing kung mag-commute ang nahawa dahil mas iba't ibang tao na ang nakasalamuha nito sa daan.

"It doesn’t make sense that people who are living, eating and sleeping together in the same house should be apprehended for being in the same vehicle or for riding together in a motorcycle for supposed violation of the rules on physical distancing set by the IATF," sabi nito.

"These are very simple solutions to a very simple problem. Let’s not make this issue very complicated," dagdag pa ng kongresista.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel