Iya Villania, ibinahagi ang pagbabago sa kanyang katawan 1 linggo matapos manganak

Iya Villania, ibinahagi ang pagbabago sa kanyang katawan 1 linggo matapos manganak

- Isang linggo matapos manganak sa ikatlong anak nila ni Drew Arellano, ibinahagi ni Iya Villania ang litrato na nagpapakita ng mas fit niyang katawan

- Marami ang bumilib sa Kapuso actress/host dahil sa mabilis na pagliit ng kanyang tiyan gayong isang linggo pa lamang siyang nanganak

- Ibinahagi ng aktres na ang tanging workout niya lang ay ang pag-breastfeed sa kaniyang anak na si Alana

- Matatandaang nanganak si Iya sa pangatlong anak nila ni Drew nitong Sabado, July 18, 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat sa ibinahaging litrato ni Iya Villania sa Instagram. Makikita sa kanyang ibinahaging pictures ang itsura ng kanyang tiyan noong kakapanganak pa lamang niya at isang linggo matapos siyang manganak.

Ayon kay Iya tuloy lang ang pagsusuot niya ng binder at pagkain ng masustansiyang pagkain. Tanging workout niya sa kasalukuyan ay ang pagbreastfeed sa anak na si Alana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi siya umano nagmamadali na maibalik sa dati ang kanyang katawan. Ibahahagi niya umano sa kanyang followers ang kanyang journey sa pagbabalik sa kanyang fit na pangangatawan.

"Reminding myself that recovery is just as important and enjoying every minute of it but I can’t wait to sweat again! will fill you guys in with my journey including all the things that I feel have been helping me recover this time around

Iya Villania, ibinahagi ang pagbabago sa kanyang katawan 1 linggo matapos manganak

Iya Villania (Photo from Iya Villania's Instagram account)
Source: Instagram

Hindi naman mapigilang humanga ng mga netizens sa pagiging #fitspiration ng Kapuso star.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Matatandaang nanganak ang aktres sa ikatlong anak nila ni Drew nito lamang July 18. Ibinahagi ng mag-asawa kaagad ang litrato ng kanilang bunso matapos itong isilang ni Iya.

Ikinatuwa naman ng maraming netizens ang video na ibinahagi nila online kung saan ipinakita nila ang unang pagtatagpo ng magkakapatid na Primo, Leon at Alana.

POPULAR: Read more about Iya Villania here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel