Ina, naimbyerna sa isang nanay na nanghamak sa kakayahan ng kanyang anak

Ina, naimbyerna sa isang nanay na nanghamak sa kakayahan ng kanyang anak

- Viral ngayon sa social media ang post ng isang inang na-imbyerna sa isang kapwa nanay

- Ito ay matapos hamakin ng nasabing netizen ang kakayahan ng kanyang anak na 4 na taong gulang

- Kinumpara nito ang kanyang anak na mag-aapat na taong gulang pa lamang pero kabisado na umano ang pagsulat ng kanyang pangalan

- Hindi naman nakaligtas sa pambabatikos mula sa mga netizen ang nanay na nagngangalang Maritess

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng pambabatikos ang isang Facebook user na nanghamak ng kakayahan ng isang 4 na taong gulang na bata. Ibinahagi ng Facebook user na si Angel Saldariega ang naging pag-uusap nila ng isang Facebook user na Marites ang pangalan.

Tinanong ni Marites si Saldariega kung marunong nang magsulat ng pangalan ang kanyang 4 na taong gulang na anak. Sagot naman niya hindi pa dahil linya pa lamang ang kaya nitong iguhit.

Hindi pa nakuntento si Marites at sinabing late na umano ang anak niya. Ibinida pa niya ang sariling anak na mag-a-apat na taong gulang pa lamang ay marunong na umano magsulat ng pangalan at nakakabasa na rin ng kaunti.

Hindi na ikinatuwa ni Saldariega nang sabihan nitong late ang kanyang anak. Nang tanungin niya si Marites kung marunong na ng solar system ang anak niya, hindi pa umano dahil para ito sa mas malalaking mag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot naman ni Angel, "panis po anak nyo...Kbye," sabay block sa Facebook user.

Marami naman ang naimbiyerna sa inasal ng nasabing ina. Marami sa mga netizens ang nagsabing hindi tama ang pangunahan ang ibang magulang pagdating sa anak nila at hindi din pare-parehas ang kakayahan ng mga bata kaya hindi dapat magkumpara.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 27K reactions at 51K Shares ang nasabing post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel