Delivery man, napaakyat sa gate matapos siyang habulin ng aso

Delivery man, napaakyat sa gate matapos siyang habulin ng aso

- Isang video ng delivery man ang kinaaliwan ng mga netizens sa social media

- Ayon sa kumuha ng video na kaibigan din ng delivery man, nagtungo sila sa bahay ng isang customer upang magdeliver

- Bigla umano siyang sinugod ng isang aso at napatahol na rin ang aso na pagmamay-ari ng customer

- Dahil agad niyang nakita ang paparating na aso, mabilis siyang nakaakyat sa gate at nakaligtas sa kapahamakan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pinapatupad na Conditional Movement Control Order (CMCO) sa bansang Malaysia, patuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng mga taong itinuturing na frontliners.

Kabilang na sa kanila ay ang mga delivery man. Sa isang viral video, sapul ang "buwis-buhay" na pagtatrabaho ng isang J&T delivery man.

Ibinahagi ng Facebook page na lini.viral ang video at kuha umano ito ng kaibigan mismo ng delivery man.

Sila umano ay nagtungo sa Abang, isang lugar sa Terengganu, Malaysia upang mag deliver.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang naghihintay ng tatanggap ng delivery, bigla umanong hinabol ng isang aso ang delivery man. Kahit ang aso umano sa loob ng gate na pagmamay-ari ng customer ay walang humpay na ring tumatahol.

Sa kabutihang palad ay hindi nasaktan ang rider dahil agad siyang nakaakyat sa gate nang makita ang isang asong papunta sa kanya.

Lumabas na rin ang customer at itinaboy ang asong sumugod sa delivery man. Hindi naman napigilang tumawa ng kanyang kaibigan.

Maging si Luis Manzano ay ibinahagi ang nasabing video sa Instagram.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Marami ang naaliw sa nasabing video ngunit isa lamang ito sa mga patunay sa panganib na kinakaharap ng mga frontliners natin.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel