Video ng lalaking todo hataw sa isang 90's dance craze, mahigit 2.8 million views na

Video ng lalaking todo hataw sa isang 90's dance craze, mahigit 2.8 million views na

- Umabot na sa mahigit 2.8 million views ang video ng isang lalaking todo hataw sa isang 90's dance craze

- Natuwa ang mga netizens dahil bigay na bigay ang lalaki sa pagsasayaw sa kabila ng kanyang edad

- Nakakawala raw ng stress ang video lalo na sa dami ng nangyayaring negatibo ngayon sa mundo

- Na-engganyo rin daw ang mga netizens na gawin ito bilang ehersisyo lalo na at kinakailangan nating maging malusog lalo na sa panahon ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng isang lalaki na todo bigay sa pagsasayaw ng isang 90's dance craze.

Binahagi ito ng netizen na si Tapiro at may caption na "Batang 90s sa year 2040."

Natuwa ang mga netizens lalo na ang mga tinatawag na mga "Batang 90's" dahil sumikat ang sayaw na ito na may pamagat na "The Sign" ng Ace of Base sa panahon nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bigay na bigay ang lalaki na di alintana sa kanyang edad ang paghataw.

Nakadagdag effects pa na animo'y marami silang sabay na sabay na nagsasayaw.

Aliw na aliw ang mga netizens at balak nilang gayahin ang pagsasayaw ng lalaking ito bilang ehersisyo lalo na at nararapat lamang na maging malusog tayo sa panahon ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ay dapat 60 sec.bitin kasi hahaha galing ni tatay dancer siguro nung kabataan"
"Pampagud vibes tau ky tatay.. Galing sumayaw"
"Such a feel good video, stay healthy and safe po!"
"Very entertaining and inspiring to see. SC good dancer.Tara let's do it"
"Nakaka-inspire si tatay. malinis ang galawan"

Samantala, sa comment section, nagpakilala ang lalaki sa video na si Rudy Mercado at nagpasalamat siya sa lahat ng tumangkilik sa kanya na siyang naging dahilan para mag-viral ang kanyang pagsasayaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel