Jenny at Larry ng 90 Days Fiance, nagbahagi ng prangkang opinyon hinggil kina Ed at Rosemarie

Jenny at Larry ng 90 Days Fiance, nagbahagi ng prangkang opinyon hinggil kina Ed at Rosemarie

- Isa sa din sa pinaka pinag-usapang pares sina Jenny at Larry ng 90 Days Fiance

- Kaya naman hindi maiwasang maikumpara sila sa kasalukuyang kontrobersiyal na sina Ed at Rosemarie

- Sa isang Q & A video sa kanilang YouTube Channel, ibinahagi nina Larry at Jenny ang kanilang opinyon tungkol sa kontrobersiyal na pareha

- Masaya umano si Jenny sa naging desisyon ni Rosemarie na makipaghiwalay kay Ed dahil sa hindi magandang pakikitungo nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang YouTube channel ay malimit na nagbabahagi ng update ang 90 Days Fiance couple na sina Larry at Jenny. Hindi pa naipapalabas sa nasabing programa ang update tungkol sa kanilang pagpapakasal pero base sa kanilang social media posts, ikinasal na ang dalawa.

Sa isang Q & A YouTube video, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang opinyon sa kontrobersiyal na 90 Days fiance ex-couples na sina Rosemarie at Ed.

Ito ay matapos ikumpara ng mga netizens ang dalawang pareha.

Ayon kay Jenny, apektado siya sa ginawa umano ni Ed kay Rosemarie kaya masaya siya sa naging desisyon ng kababayan na makipaghiwalay na.

Aniya, masaya siyang maayos ang pakikitungo sa kanya ng kanyang asawang si Larry.

Sinagot din ni Jenny ang tanong ng isang netizen kung bakit gusto umano ng mga Pinay ang mga foreigner.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot niya, para sa kanya gusto niyang subukang makipagrelasyon sa hindi niya kalahi dahil na rin sa hindi magandang karanasan ng kanyang kapamilyang nag-asawa ng kapwa Pinoy.

Masaya naman si Larry na sabihing wala siyang pinagsisihan sa kanyang desisyon na pakasalan si Jenny.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sina Jenny at Larry ay isa sa pinakapinag-usapang pares sa 90 Days Fiance. Matatandaang naging viral sa social media ang pahayag ni Jenny na "You're Road."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel