Viral na sapaterong nakatira sa pedicab, emosyonal nang dagsain ng tulong

Viral na sapaterong nakatira sa pedicab, emosyonal nang dagsain ng tulong

- Bumuhos ang tulong para sa sapaterong nakatira na lamang ngayon sa isang pedicab kasama ang dalawang alagang aso

- Halos hindi ito makapaniwala nang unti-unting dumarating ang iba't ibang klaseng tulong sa kanya

- Hindi rin nito agad tinanggap ang iniaabot na pinansyal na tulong ni Mariz Umali dahil hindi naman daw siya nanghihingi at nahihiya siya na nakakaabala pa raw siya ng ibang tao

- Mayroon ding nag-alok sa kanya ng trabaho at may nais na ring sumagot ng kanyang pamasahe sakaling maisipan niyang umuwi sa kanilang probinsya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil nag-viral at marami ang naantig sa kwento ng sapaterong si Kimo Ranes, bumuhos ang tulong sa kanya.

Nalaman ng KAMI na nakatira lamang si Kimo sa isang pedicab kasama ang kanyang mga alagang aso.

Nang mapanood ng publiko ang kanyang kwento sa 24 oras, unti-unti ng dumating ang iba't ibang uri ng tulong sa kanya.

May nagdadala sa kanya ng pagkain, mahihigaan at maging dog chain para sa dalawang alaga niyang aso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman nito mapigilan ang maluha nang abutan siya ng tulong pinansyal ni Mariz Umali ng GMA News.

Ayaw pa sana itong tanggapin ni Kimo dahil nahihiya raw siya at pakiramdam niya'y nakakaabala siya ng ibang tao.

Ngunit pinaliwanag ni Mariz na masaya siyang maging instrumento ng maraming tao na nagpapaabot ng tulong para kay Kimo.

Bukod dito, may nag-aalok pa umano ng trabaho para sa sapatero para raw may permanente na itong mapapagkunan ng kita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Cebu Police Provincial Office ay sasagutin ang pamasahe ni Kimo sakaling nais niyang makauwi ng kanilang probinsya.

Emosyonal na nagpasalamat si Kimo sa hindi niya inaasahang pagdagsa ng tulong.

Balak niyang maghanap ng mauupahan at patuloy pa rin daw siya sa kanyang paghahanapbuhay bilang sapatero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel