Larry at Jenny ng 90 Days Fiance, ibinahagi ang kanilang buhay bilang mag-asawa

Larry at Jenny ng 90 Days Fiance, ibinahagi ang kanilang buhay bilang mag-asawa

- Ibinahagi ng TLC Australia ang panibagong update sa magkasintahang Larry at Jenny ng 90 Days Fiance

- Kuha ito noong unang dumating si Jenny sa Florida upang makasama si Larry at mapagplanuhan na ang kanilang kasal

- Isang RV ang kanilang tirahan ngunit maayos at kompleto naman ang loob ng kanilang munting tahanan

- Kilala sila sa bansag na "You're Road" couple dahil sa naging pahayag ni Jenny kay Larry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang YouTube video na ibinahagi ng TLC Australia, ibinahagi ng magkasintahang Jenny at Larry ng 90 Days Fiance ang kanilang muling pagkikita nang sa wakas ay nakarating na si Jenny sa Florida.

Sinorpresa ni Larry si Jenny nang ipakita nito ang kanilang magiging tirahan. Isang RV ang kanilang tutuluyan ngunit maayos at kompleto naman ang loob ng kanilang munting tahanan.

Tila naman hindi inasahan ni Jenny ang kanilang tahanan ngunit masaya umano siyang mapaghahandaan na nila ang kanilang kasal at makakasama niya na si Larry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi maiwasang ikumpara ang magkasintahan sa kasalukuyang kontrobersiyal na sina Rosemarie at Ed.

Marami sa mga viewers ang nakapuna na kahit hindi ganoon kayaman si Larry ay maayos ang kanyang pagtrato umano kay Jenny.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Lets be real Larry's still better than No Neck Ed , I'll give that (even tho he was a bit road)
He got her flowers and chocolates while Ed got rose toothbrush/toothpaste and a mouthwash, we can really see the difference right there
Unlike most of the people on this show, he actually seems like a genuinely nice, sweet guy. She doesn’t seem too bad either.

Matatandaang naging usap-usapan ang magkasintahang Jenny at Larry matapos mag-viral ang video kung saan sinabi ni Jenny kay Larry ang mga katagang "You're road." Dahil dito ay iba't-ibang memes sa social media ang nabuo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel