Ilang OFW na negatibo sa COVID-19 test sa Maynila, nag-positibo sa pag-uwi ng probinsya

Ilang OFW na negatibo sa COVID-19 test sa Maynila, nag-positibo sa pag-uwi ng probinsya

- Nabahala ang ilang mga OFW matapos na lumabas na positibo ang resulta ng isinagawang COVID-19 test sa kanila sa kani-kanilang mga probinsya

- Laking gulat nila lalo na at negatibo naman sila sa isinagawang test nang dumating sila sa Maynila

- Kasama na rito ang pinakaunang kumpirmadong kaso ng Ormoc City na isa rin pa lang OFW

- Ang tatlong OFW naman na umuwi ng Palawan ay nagpositibo rin at nakasakay pa ang nasa 100 pasahero sa barko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang OFW na umuwi ng bansa ang lumabas na positibo sa COVID-19 pag-uwi nila ng kani-kanilang mga probinsya.

Nalaman ng KAMI na negatibo naman ang mga OFW na ito sa isinagawang test sa kanila sa Maynila.

Nakatapos din ang mga ito sa 14-day quarantine bago sila pinayagang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Isa na rito ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Ormoc City na isa rin pa lang OFW na mula Saudi Arabia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito hindi naiwasang magkomento ng alkalde ng kanilang lungsod na si Richard Gomez lalo na at tumagal ng ilang buwan na wala silang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

"Hindi namin kayo sinisisi. But what we're telling you is that, please, you have to help us," pahayag niya sa panayam sa kanya ng GMA News.

Mayroon ding nakauwi ng Palawan na positibo rin sa isinagawang test pagdating doon.

Nakababahala ito lalo na at nakasakay nila ang 100 mga pasahero na malaki ang posibilidad na mahawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naka-lockdown din ang Misamis Misamis Occidental matapos ding mag-positibo sa virus ang seaman na kakauwi lang sa kanilang lugar.

Bukod sa isinagawang mga tests, nakumpleto naman umano ng mga OFW ang 14-day quarantine bago sila pahintulutang makauwi ng kanilang mga probinsya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel