Heart Evangelista, hindi nagpatinag sa basher na nanglait sa kanyang kuko

Heart Evangelista, hindi nagpatinag sa basher na nanglait sa kanyang kuko

- Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang panlalait ng isang netizen sa isa niyang Instagram post

- Nilait at sinabihang pangit ng isang Instagram user ang itsura ng kuko sa paa ng Kapuso actress

- Buwelta ni Heart, ayos lang na pangit ang kuko niya kesa naman daw ugali niya ang pangit

- Umani ng pambabatikos ang nasabing Instagram user dahil sa kanyang panlalait kay Heart

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang panlalait ng isang Instagram user sa kanya. Maikli ngunit matindi ang naging resbak ni Heart sa netizen na kumutya sa itsura ng kanyang kuko sa paa.

Sa isang Instagram post ng Kapuso star, ibinahagi niya ang isang litrato kung saan makikita ang kanyang mural at ang kahawig na disenyo ng print sa kanyang sandals.

"Matching with my work, of course! I’m so so happy with how everything turned out. ❣️ Thank you to everyone who helped me out!" ani Heart sa caption ng kanyang post.

Liza Soberano, personal nang naghain ng kaso laban sa Converge employee na binastos siya
Heart Evangelista, hindi nagpatinag sa basher na nanglait ng kanyang kuko

Heart Evangelista, hindi nagpatinag sa basher na nanglait ng kanyang kuko
Source: Instagram

Heart Evangelista, hindi nagpatinag sa basher na nanglait ng kanyang kuko

Heart Evangelista (Photo from Flickr)
Source: UGC

Isang netizen ang pumuna sa kuko sa paa ni Heart. "anget pala ng kuko mo," aniya.

Buwelta naman ni Heart, "Ok lang keysa ugali."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani ng pambabatikos ang basher mula sa mga supporters at followers ng aktres. Bukod sa matinding bwelta ni Heart, hindi din ito tinantanan ng ilang netizens:

Back to you basher, haha! ultimo kuko napansin, bionic eye.
Si Heart yung maarte at sosyal pero ang kulit ng mga comeback sa bashers.. hahaha! Sa ganda nyang yan may napapansin pa tlga ang mga tao. Grabe
Madame Basher, palinis mo muna toenails mo ha. Nakita ko kasi yung paa mo sa IG. Practice good hygiene like Heart, ok?

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

BFF ni Lloyd Cadena, pina-tattoo ang legendary icon ng yumaong vlogger

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Sa kabila ng pagiging positibo ng katauhan ng Kapuso aktres, mayroon pa ring mga nagba-bash. Kamakailan, bumwelta din siya sa isang basher na tinawag siyang "squammy" sa kanyang Instagram live.

Bilang isa sa pinakasikat na artist sa kasalukuyan, hindi nakakalimutan ni Heart na magbahagi ng kanyang natanggap na biyaya. Sa katunayan, personal siyang namahagi ng tulong sa mga ospital na nangagailangan.

POPULAR: Read more about Heart Evangelista here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel