Doctor ng PNP, namatay dahil sa aksidenteng paglanghap ng disinfectant

Doctor ng PNP, namatay dahil sa aksidenteng paglanghap ng disinfectant

- Pumanaw na ang 31-anyos na doktor ng Philippine National Police dahil sa aksidenteng paglanghap umano ng disinfectant

- Sumakabilang buhay siya noong Mayo 30 habang nasa serbisyo bilang isang frontliner

- Dalawang araw makalipas ang pagpanaw ng doktor, dalawang pulis din ang namatay sa parehong dahilan tulad ng ikinamatay ng doktor

- Naulila ng doktor ang tatlo niyang mga anak na may edad na apat,lima at limang buwang gulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay ang isang batang doktor ng Philippine Natonal Police na nakilalang si Capt. Casey Gutierrez.

Nalaman ng KAMI na nakalanghap umano ito ng isang uri ng disinfectant matapos na ito ma-spray bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Ayon sa ulat ni Emmanuel Tupas ng Philippine Star, isa si Dr. Gutierrez sa mga frontliners sa PhilSports Arena na nadestino roon noong Mayo 24.

Sumailalim sa decontamination ang doctor matapos na tumingin ito sa pasyenteng positbo sa COVID-19 kung saan direkta itong na-spray ng disinfectant kahit na may suot itong personal protective equipment.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos ito, bigla na lang siyang nahirapang huminga.

Agad itong dinala sa PNP General Hospital sa Camp Crame ngunit nang makita siya ng kanyang partner na si Shella Distor na isa rin medical practitioner, nagdesisyon itong dalhin sa Lung Center of the Philippines.

Sa initial findings pa lang, agad na nalaman ang pagkakalanghap umano ni Gutierrez ng disinfectant ang naging dahilan ng kanyang kondisyon.

Matapos ang limang araw, pumanaw na rin ang doktor.

Doctor ng PNP, namatay dahil sa aksidenteng paglanghap ng disinfectant

source: Shella Distor's Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Rappler, dalawang pulis ang nakaranas din ng parehong sitwasyon ilang araw mula nang pumanaw si Gutierrez.

Hunyo 2 nang kumpirmahin ng kanyang partner na negatibo ang doktor sa COVID-19.

Naulila ng doktor ang tatlo niyang maliliit pang mga anak na may edad apat, lima at limang buwan.

Mariing ipinaalala ng Department of Health na sadyang masama sa kalusugan ang direktang pag-spray ng disinfectant sa tao.

Kaya naman ang dating ipinatupad na "misting" ng mga tao sa pagpasok sa mga pampublikong lugar ay ipinagbawal na rin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel