Foreign YouTuber, nagbahagi ng kanyang reaksiyon sa "Bawal Lumabas" performance ni Kim Chiu

Foreign YouTuber, nagbahagi ng kanyang reaksiyon sa "Bawal Lumabas" performance ni Kim Chiu

- Dahil sa dami ng views ng "Bawal Lumabas" performance ni Kim Chiu sa Wish Bus, marami ang naintriga dito

- Sa loob lamang ng isang araw mula nang ito ay i-upload sa YouTube, umabot na sa mahigit 4 na milyon ang views ng nasabing video

- Isang banyaga na reactor sa YouTube ang nagbigay ng kanyang opinyon hinggil sa performance ni Kim

- Ikina-intriga niya kung bakit umano napakarami ng dislikes sa nasabing YouTube video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang foreign YouTube reactor ang nakapansin sa video ng performance ni Kim Chiu sa Wish Bus. Ito ay matapos umanong dumagsa ang requests mula sa mga Pinoy na subscribers na panoorin niya ang nasabing video.

Ang Candian YouTuber na si Ovela ay malimit na nagbabahagi ng mga videos sa kanyang YouTube Channel na Music Game News kung saan ibinabahagi niya ang kanyang reaksiyon at opinyon sa bawat video na kanyang pinapanood.

Dahil marami sa kanyang subscribers ay mga Pinoy, kadalasang Pinoy artists ang kanyang na fe-feature sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan ay naging-usap-usapan ang Wish Bus performance ni Kim Chiu. Isa ito sa pinaka ni-request ng mga subscribers niya kaya pinanood niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanya, palaisipan sa kanya kung bakit marami ang dislikes sa nasabing video. Bilang isang sound engineer, may alam siya sa mga teknikal na aspeto ng musika.

Aniya, natatamaan naman ni Kim ang mga nota ngunit hindi ito kagaya ng videos ng ibang Pinoy artists na nakakamangha dahil sa galing.

Gayunpaman, nagpahayag ng suporta ang ilang netizens sa gitna ng mga pamba-bash sa Kpamilya actress.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga viewers.

I super like this reaction.. You definitely made a big slap on Filipinos being judgmental. I don't like what Kim Chiu said regarding ABS-CBN shutdown but the lyrics in the stanza looks like Kim Chiu is asking for forgiveness. So giving her dislike would be so harsh.. In my opinion. Anyways, thanks so much for reacting to this.
She's doing that for a cause , she raising funds for the Front liners.
Honestly with what's happening around the globe one thing we forgot is how to be kind and good to one another.

Matatandaang umani ng pamababatikos ang Kapamilya actress na si Kim Chiu matapos ang kanyang paglabas ng saloobin kaugnay sa pagsasara ng ABS-CBN.

Gayunpaman, hindi nagpaapekto ang aktres at sinakyan na lamang ang pangmamaliit sa kanya kaya binuo nila ang kanta na umani ng milyon-milyong views sa iba't-ibang social media platforms.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel