Vivian Velez, may patutsada laban kina Pia at Catriona hinggil sa usaping Anti-Terrorism Bill

Vivian Velez, may patutsada laban kina Pia at Catriona hinggil sa usaping Anti-Terrorism Bill

- Walang preno ang pagpuna ng aktres na si Vivian Velez hinggil sa opinyon nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray

- Ito ay hinggil sa usaping Anti-Terrorism Bill na isa sa pinakapinag-uusapan ngayon sa social media

- Kinuwestiyon ng aktres ang pagtutol ng dalawang beauty queen sa nasabing panukalang batas

- Ang komentong ito ni Vivian ay umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpatumpik-tumpik pa ang aktres na si Vivian Velez hinggil sa kanyang reaksiyon sa opinyon ng dalawang Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Sa kanyang Facebook post, kinuwestiyon ng aktres ang pagtutol ng dalawa sa panukalang batas na Anti-Terrorism Bill.

Aniya para lamang sa proteksiyon laban sa terorismo ang nasabing batas kaya hindi dapat tutolan.

Sa comment section ng nasabing Facebook post, kinuwestiyon ni Velez ang source ng research ni Catriona.

Dagdag pa niya kinakabisado lang naman ang motherhood statement.

Vivian Velez, may patutsada laban kina Pia at Catriona hinggil sa usaping Anti-Terrorism Bill

Vivian Velez, may patutsada laban kina Pia at Catriona hinggil sa usaping Anti-Terrorism Bill
Source: Facebook

Samantala, nilinaw ni Catriona na ang kanyang pagtutol sa Terror Bill ay hindi nangangahulugang pro-terrorism siya. Hindi din umano niya binabale wala ang gulong nangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya ang kanyang pagsulong sa #JunkTerrorBill ay nangangahulugan din na repasuhin at ayusin ang nasabing panukalang batas.

Biwelta naman ni Velez, wala nang dabat baguhin o pagdebatehan sa nasabing panukalang batas dahil pinasa ito ng House of Representative ot ng Senado.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015.

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe ngayong taon.

POPULAR: Read more about Catriona Gray here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel