Carla Abellana, sinagot ang libo-libong bayarin ng isang pet owner

Carla Abellana, sinagot ang libo-libong bayarin ng isang pet owner

- Ibinahagi ng isang pet owner ang kanyang pasasalamat sa Kapuso actress na si Carla Abellana

- Ito ay matapos sagutin ng aktres ang libo-libong halaga sa pagpapagamot ng kanyang alagang aso

- Marami ding mga nagpahayag ng kanilang pagnanais na makatulong sa pagpapagamot ng kanyang aso

- Kilala si Carla Abellana na dog lover at isa siya sa mga personalidad na sumusulong sa mga proyekto upang mapangalagaan ang mga aso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi pa makapaniwala ang Facebook user na si Janzen Molino matapos niyang makausap ang Kapuso actress na si Carla Abellana na nagbigay ng tulong pinansiyal sa kanyang pagpapagamot ng kanyang alagang aso.

Ayon sa ipinakitang bayarin ni Molino nagkakahalaga ng P1,300 kada araw ang confinement at P10,000 para sa surgery ng kanyang alaga. Ito ang ipinangakong bayaran ng aktres na kilala din na dog lover.

Sa katunayan, labis labis ang kanyang pagdadalamhati nang pumanaw ang isa niyang alagang aso kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe na kanyang ibinahagi sa social media:

Ma'am Carla Abellana helped me with my bills. Grabe grabe grabe sobrang nakaka-overwhelmed di ko alam ano mga sasabihin ko. Nagbakasakali lang ako kagabi pero di po siya nagdalawang isip tulungan ako ❤️ I'm so blessed with the angels na tumulong po sakin sa lahat ng donations and everything ❤️

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa nag-early out sa trabaho mahabol lang yung oras ng padalahan. Sa mga sumaglit sa smart padala. Sa mga dumaan ng ministop makapagdonate lang at sa mga nagsend sa GCASH! Sa mineet up ko sa palengke with pabaon pang pang ulam na gulay ❤

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si ‎Rey "PJ" Abellana‎.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel