Willie Revillame, nagkamali ng tinawagang number sa 'Tutok To Win!'

Willie Revillame, nagkamali ng tinawagang number sa 'Tutok To Win!'

- Isang babae ang maswerteng natawagan ni Willie Revillame sa kanyang programang 'Tutok To Win!'

- Ito ay matapos magkamali ng isang numero ang TV host nang mag-dial ito ng tatawagang winner

- Inamin ni Kuya Wil na nagkamali siya ng pag-dial pero binigay parin niya ang P10,000 sa kanyang natawagan

- Pagakatapos ay tinawagan pa rin niya ang totoong nanalo at ibinigay pa rin ang P10,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang episode ng Tutok to Win nitong June 5, 2020, inamin ni Kuya Wil na nagkamali siya ng dial at natawagan sa ‘Tutok To Win!’ Gayunpaman, ibinigay pa rin niya ang sampung libo sa kanyang natawagan nang hindi sinasadya at sa may-ari ng numerong dapat niyang tawagan.

Abot-abot ang pasasalamat ng babeng aksidente niyang natawagan dahil kahit na hindi sinadya ay nanalo siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa mga Pinoy ang tumututok sa programa ni Willie Revillame na namimigay ng sampung libong piso sa maswerteng YouTube subscriber ng kanilang YouTube channel.

Narito ang naging reaksiyon ng netizens sa pangyayaring ito:

Swerte talaga sya. Hulog talaga ng langit si Kuya Will!
Yan ang tinatawag na maswerte, kahit hindi mo habulin, mapupunta at mapupunta sa iyo. Congratulations sa mga nanalo at nabiyayaan. Sana marami pa po kayong mabigyan ng tulong!
Yan si Kuya Wil, inaamin ang pagkakamali pero pinaninindigan ang kanyang nagawa. Sana dumami pa ang isang kagaya niyo. Lalo sana kayong pagpalain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Willie Revillame ay kilalang TV host, endorser at recording artist. Ilan sa pinasikat niyang mga awitin ay Boom Tarat Tarat, Kung Para Sa'yo, Hep Hep Hooray! at marami pang iba.

POPULAR: Read more about Willie Revillame here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel