Makeover sa palaboy na may mabuting kalooban, umantig sa puso ng netizens

Makeover sa palaboy na may mabuting kalooban, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang video kung saan natulungan ang isang palaboy na maayos muli ang sarili matapos ang ilang taong pamamalagi sa kalsada

- Sinubok muna ang palaboy na ito at ikinagulat ng marami ang naging tugon nito nang mayroong nanghingi ng tulong sa kanya

- Humanga ang mga netizens sa pinakita nito dahil kahit kapos na siya sa buhay, nakuha pa rin niyang tumulong

- Bakas sa kaligayahan ng matandang palaboy ang kasiyahan nang siya ay makaligo, makapagbihis ng maayos at makakain ng masarap dahil na rin sa kabutihang ipinamalas niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng mga netizens ang video kung saan ang isang matandang palaboy ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng makeover.

Ito ay matapos na magpamalas ito ng kabutihan na sadyang hindi inaasahan ng marami.

Nagpanggap kasi ang vlogger na si Jose Hallorina na kinapos sa pamasahe. Lumapit siya sa matandang palaboy na nakilalang si Tatay Rodolfo at humingi lamang siya ng dalawang piso.

Nagulat si Jose nang ibinibigay na ng matanda ang lahat nang meron siya.

Nang tanungin ng vlogger bakit niya binibigay gayung baka siya ang mawalan, sagot nito na mayroon naman siyan mga pagkain at may magbibigay pa naman daw sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakakabilib ang kabutihang pinakita ni Tatay Rodolfo na kahit kapos sa buhay, nakuha pa ring magbigay ng kung ano ang mayroon siya.

Binalikan ni Jose si Tatay Rodolfo upang bigyan siya ng 'makeover' at para na rin mabilhan siya ng iba pa niyang mga kakailanganin.

Makikita naman sa hitsura ni Tatay Rodolfo kung gaano na siya katagal sa kalsada sa haba ng buhok niya at sa duming nakabalot na sa kanyang katawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naligo, namili ng mga damit, nagpa-salon at kumain ng masarap na pagkain si Tatay Rodolfo na bakas ang kaligayahan sa araw na iyon.

Bago matapos ang araw na iyon, nangako naman si Jose na madadalas na ang pagbisita niya sa matanda.

Natunaw ang puso ng netizens sa kabutihan ni Tatay Rodolfo at sa pagmamalasakit naman ni Jose para sa matanda.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ng Talentadong Malupet:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel