Heart Evangelista, nagbigay ng update tungkol sa tablet na ipapamigay niya sa mga estudyante

Heart Evangelista, nagbigay ng update tungkol sa tablet na ipapamigay niya sa mga estudyante

- Masayang ibinahagi ni Heart Evangelista na nakarating na ang unang batch ng mga ipapamigay niyang tablets

- Ito ay para sa mga mag-aaral na nangangailangan at walang kakayahang makabili ng gadget para sa online classes

- Matatandaang nauna nang inanunsiyo na sa Agosto magsisimula ang pagbukas ng klase sa pamamagitan ng online classes

- Bunsod nito, isa sa suliranin ng marami ay ang kakulangan sa gamit upang makasabay sa bagong sistema ng edukasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumating na ang unang batch ng mga tablets na ipapamigay ni Heart Evangelista sa mga mag-aaral na walang kakayahang makabili ng sariling gadget upang magamit sa pagbubukas ng klase nitong Agosto.

Masayang ibinahagi ng aktres ang isang litrato kung saan pinakita niya ang kahon-kahon ng tablet na 550 piraso.

“Worth 550 tablets to kids and students who need it the most,” ani Heart sa kanyang Instagram story.

Matatandaang sinabi ni Heart nitong Biyernes, June 5 na mamimigay siya ng tablet para sa mga estudyanteng nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Heart Evangelista, nagbigay ng update tungkol sa tablet na ipapamigay niya sa mga estudyante

Heart Evangelista, nagbigay ng update tungkol sa tablet na ipapamigay niya sa mga estudyante
Source: Instagram

Sa naunang anunsiyo ni Education Secretary Leonor Briones, sa August 24 ang pag-uumpisa ng online classes sa pribado at pampublikong mga paaralan.

Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. Mananatiling online ang pagsasagawa ng mga klase hanggang muling payagan na ng pamahalaan ang pagpasok ng mga bata sa paaralan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

POPULAR: Read more about Heart Evangelista here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel