Inang nakipag-barter ng tanglad para may pakain sa anak, dinagsa ng tulong

Inang nakipag-barter ng tanglad para may pakain sa anak, dinagsa ng tulong

- Bumuhos ang tulong sa inang lakas loob na nakipag-barter ng tanglad upang may maipakain sa kanyang mga anak

- Asin na lamang umano ang naiuulam nila dala ng kakapusan sa dinaranas nating krisis dahil sa COVID-19

- Laking pasalamat niya sa kanyang kaibigan na isinali siya sa grupong Iloilo Barter kung saan maari silang makipagpalitan ng kung anong meron sila sa mga pangangailangan naman nilang meron sa iba

- Maaring sa iba ay tila katawa-tawa na tanglad lamang ang kaya niyang maipalit para sa hinihingi niyang itlog, hindi naman daw sila matutulungan kung hindi niya ito ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dinagsa ng tulong ang pamiya ni Joenalyn Dayanan sa Iloilo matapos na makita ang post nito sa pakikipag-barter ng tanglad.

Ayon sa binahagi ng video ng NXT on ABS-CBN News, wala umanong hanapbuhay sa ngayon si Joenalyn na suma-sideline lamang sa pagla-landscape.

Nalaman ng KAMI na dala ng epidemya, wala siyang trabaho sa ngayon dahilan para wala rin siyang kitain.

Single parent lamang siya kaya naman wala siyang katuwang sa pagtataguyod ng kanyang mga anak.

Tanging asin na lamang ang kaya niyang ipaulam sa mga ito at nangingiti na lang ang kanyang anak nang sabihin nito kung maaring itlog naman ang kanilang ulamin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Laking pasalamat ni Joenalyn nang tulungan siya ng kanyang kaibigan at isinali siya sa grupo na Iloilo Barter kung saan maari siyang makipagpalit ng anumang meron siya sa mga kailangan naman niya na meron ang ibang tao.

Ngunit ang naging problema pa niya ay kung ano naman ang kanyang iba-barter.

Doon niya naisip na tanglad na lamang ang ipalit dahil iyon lang din ang meron siya.

Habang ang ilan ay di naiwasang magpahayag ng negatibong komento, ang post niyang ito ang naging daan upang makahingi naman sila ng saklolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagparating sa kanila ng pagkain kaya naman tuwang-tuwa lalo na ang kanyang mga anak.

Labis-labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong at hindi niya akalain na ang pagba-barter niya ng tanglad ang siyang dahilan na mapakain na niya ng maayos ang kanyang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel