21- anyos na ina, viral sa social media matapos mahulihan ng droga

21- anyos na ina, viral sa social media matapos mahulihan ng droga

- Isang 21-anyos na ina ang nahulihan ng mga hinihinalang droga at paraphernalia

- Bukod sa angking ganda nito, naging palaisipan sa mga netizens ang reaksiyon ng nasabing babae

- Tila hindi ito nababahala at nakangiti pa sa litratong ibinahagi ng PDEA Zamboanga Sibugay Facebook Page

- Ayon sa Facebook post ng PDEA, hindi umano nababahala ang suspek dahil protektado umano siya ng isang law enforcer na hindi niya pinangalanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litratong kuha sa isang 21- anyos na ina na nahulihan ng hinihinalang droga at mga paraphernalia.

Sa mga litratong ibinahagi ng PDEA Zamboanga Sibugay Facebook Page, makikita ang suspek na nakangiti pa sa mug shot photo na naibahagi sa social media.

Ayon pa sa nasabing post, hindi umano nababahala ang suspek dahil protektado umano siya ng isang law enforcer na hindi niya pinangalanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This 21-year-old mom is NOT WORRIED that she'll be in jail after nabbed selling drügs. She claims she's PROTECTED by an unidentified LAW ENFORCER.

Isinagawa ang buybust operation nitong June 3, 2020 sa Sitio San Jose, Barangay Concepcion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Huli sa akto ang babae nanagbenta ng droga sa PDEA Agent.

Ilan sa mga nakumpiska sa kanya ay dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang droga na nagtitimbang ng humigit kumulang na limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000.00.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing post. Marami ang nanghinayang sa babae dahil bukod sa bata pa ito, may anak na dapat alagaan at maganda at maamo ang mukha nito.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Gooď job PDEA Zamo Sibugay. We need to see that unidèntified law enforcer in jail and handcuffed in your next raid. Be safe and God bless.
Parang ka look a like ni Isabel granada! Sayang girl...daming work pwede sayo, ba't ka nag pa linlang sa mga nag utos sa'yo? Ituro mo ang sa likod mo mukhang ginamit kalang nila..kawawa ka naman
No one is above the law, ke pangit ke maganda, pinili nyang ibaon sa hukay yun half ng katawan nya.

Kinakaharap niya ang kaso sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165.

Ang Batas Republika Bilang 9165 ay Kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 na naglalayon ng mahigpit na pagsugpo sa pagbenta at paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel