OFW na COVID-19 survivor, nakita ang mga kaanak na yumao sa kanyang pag-aagaw buhay

OFW na COVID-19 survivor, nakita ang mga kaanak na yumao sa kanyang pag-aagaw buhay

- Isinalaysay ng OFW na isang COVID-19 survivor ang naging karanasan niya sa pakikipaglaban sa COVID-19

- Aminado siyang halos isuko na niya ang sarili sa hirap ng kanyang pinagdaanan dahil sa nakamamatay na virus

- Dumating pa umano sa puntong nakita na raw umano na ang kanyang mga namayapa nang mga kaanak na tila sinusundo na siya

- Laking pasalamat niya sa mga health workers na Pinoy sa ospital kung saan siya nag papagaling dahil ito raw ang mga nagpapalakas ng kanyang loob na paglabanan ang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng OFW na si Engr. Ruffy Niedo ang kanyang kakaibang karanasan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Matatandaang si Engr. Niedo ay minsan na ring nagbahagi ng kanyang kwento sa KAMI na talaga namang kinapulutan ng aral ng mga netizens.

COVID-19 survivor siya Dubai at hindi raw niya inakalang tatamaan siya ng naturang virus gayung naka-work from home na sila noong mga panahong ito.

Sa panayam sa kanya ng programang Survivors, naikwento niyang halos sumuko na siya sa pasakit na dala ng coronavirus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naiiyak na lamang siya dahil talagang mag-isa lamang siya sa kanyang laban.

Dumating pa umano sa puntong nag-agaw buhay na siya kaya naman tila pinaniniwalaan niya ang sinasabing "sundo" kung nalalapit na ang oras ng iyong pagpanaw.

Nakita na raw niya kasi ang kanyang mga kaanak na yumao na sa isang maliwanag na daan na animo'y sinusundo na nga siya.

"Talagang nagdadasal na lang ako at that time. Talagang sabi ko kung 'Lord, kung bubuhayin Niyo pa ako, buhayin Niyo po ako. Pero kung hindi at nasa kalooban Niyo po ay Kayo na po ang bahala talaga," kwento ng OFW.

'Yung hallucination. Talagang naniniwala na ako diyan na may mga sundo pala tayo sa kabilang buhay. Talagang may lalabas nang liwanag na makikita mo na 'yung mga kamag-anak mo na 'yung mga kamag-anak mong namatay. Talagang kapag mamamatay ka, darating pala tayo sa point na 'yun," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking pasalamat niya sa mga Pinoy na health workers na tumitingin sa kanya at nagpapalakas din ng kanyang kalooban.

Sa tindi ng hirap, hindi halos siya makapaniwala na nalampasan niya ang pagsubok na dala ng virus.

Makalipas lamang ang sampung araw, umayos ang kanyang lagay at doon pa lamang niya natawagan ang kanyang pamilya sa Pilipinas na labis na nag-aalala na sa kanyang kalagayan.

Ngayon, nakabalik na siya sa tinutuluyan niyang flat kasama ang iba pang mga Pinoy na masaya rin at naka-recover siya.

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Engr. Ruffy:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel