Dating miyembro ng 2NE1 na si Park Bom, trending dahil sa kanyang "new look"

Dating miyembro ng 2NE1 na si Park Bom, trending dahil sa kanyang "new look"

- Marami sa mga fans ng K-pop group na 2NE1 ang natuwa sa mga litrato ni Park Bom na lumabas kamakailan

- Isa siya sa mga K-pop artists na dumalo sa Grand Bell Awards 2020 (GBA) nitong June 3, 2020

- Bumuhos ang suporta mula sa mga tagahanga ng grupo sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers

- Matatandaang pormal na inanunsiyo ang pagkabuwag ng 2NE1 noong November 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending sa social media ang dating miyembro ng K-pop group na 2NE1 na si Park Bom kamakailan. Ito ay matapos lumabas ang mga litratong kuha sa Grand Bell Awards 2020 (GBA) na ginanap nitong June 3, 2020.

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang new look ng Korean star na kuha sa kanyang paglakad sa red carpet.

Marami sa mga tagasuporta ng grupo ang naghayag ng kanilang suporta sa K-pop star sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers.

Ilan sa mga haters ang nangutya sa bagong look niya dahil umano sa kanyang pagpaparetoke at pagdagdag ng timbang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa gitna ng spekulasyon na nagparetoke siya, ibinahagi ng kanyang makeup artist ang mga litrato ni Park Bom na nagpapatunay umano na hindi totoong nagparetoke ito.

Para naman sa mga tagahanga ng grupo, totoo man o hindi na nagparetoke siya, mananatili umano ang kanilang pagmamahal at pagsuporta kay Park Bom.

Ang 2NE1 ay K-pop group na nabuo noong 2009. Sumikat sila sa buong mundo. Ilan sa mga kanilang pinasikat na kanta ay Fire, I Don't Care, I am the Best at marami pang iba. Pormal na inanunsiyo ang pagkabuwag ng grupo noong November 2016.

POPULAR: Read more about entertainment news here

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel