Positibo pala! Lalaking kinuhaan ng swab test, 'di nag-quarantine at nakipag-inuman pa

Positibo pala! Lalaking kinuhaan ng swab test, 'di nag-quarantine at nakipag-inuman pa

- Lumabas na positibo sa COVID-19 ang isang lalaki sa Negros Oriental na nakuha pang maglibot sa kanilang barangay at ang masaklap, nakuha pa nitong makipag-inuman

- Nakunan pala ito ng swab test ngunit hindi naman ito nag-quarantine

- Na-stranded pala umano ang lalaking ito na mula sa Bacolod City

- Dahil sa kanyang nagawa, kasalukuyang naka-lockdown ang nasa 60 na kabahayan sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki sa Negros Oriental ang nagawang maglibot at nakipag-inuman pa habang hinihintay ang kanyang resulta sa isinagawang swab test sa kanya.

Nalaman ng KAMI na stranded mula Bacolod City ang lalaki at nakunan umano siya ng swab test nang makarating sa Negros Oriental.

Sa ulat ni Marty Go ng ABS-CBN News, bumisita pa ang lalaking ito sa apat niyang kaibigan sa nasabing lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Agad na nagsagawa ng contact tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng lalaking ito na napag-alamang positibo pala sa COVID-19.

Dahil hindi nag-quarantine ang lalaki, nasa 60 kabahayan ngayong sa Purok 3, Barangay Bugnay sa bayan ng Mabinay ang kasalukuyang naka-lockdown.

Kabilang ang lalaking ito sa anim na kumpirmadong kaso sa kanilang lalawigan ayon kay Mabinay Vice Mayor Ernie Jango Uy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan nang nasa 20,626 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ayon sa huling datos na inilabas ng Department of Health ngayong Hunyo 5.

15,150 dito ang active cases dahil mayroon nang 4,330 na recoveries samantala 987 naman ang pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica