Higit 100 na OFW job applicants, stranded sa NAIA ngayong may krisis ng COVID-19

Higit 100 na OFW job applicants, stranded sa NAIA ngayong may krisis ng COVID-19

- May mga Pinoy ang nagpalipas ng gabi sa NAIA matapos magbakasakaling makakauwi na sila sa probinsya nila

- Ang mga Pinoy na ito ay aplikante umano na gusto sanang magtrabaho sa ibang bansa

- Paliwanag ng Oversease Workers Welfare Administration (OWWA), hindi nila ito sakop pero tutulungan parin nila ang mga ito

- Mananagot naman ang mga recruitment agencies ng higit 100 na aplikante sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming mga aplikante para maging overseas Filipino workers (OFWs) ang na-stranded sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Nalaman ng KAMI na ang mga ito ay nagbabakasakaling may makuha silang biyahe pauwi ng probinsya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang karamihan sa mga aplikante ay walang ibang mapuntahan dahil wala naman silang kakilala sa Maynila.

Sabi ng Philippine Airlines, isang chartered plane ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sumundo sa ilang mga OFW para ihatid sila sa Cagayan de Oro. Subalit, naka-reserba na ang mga pasahero para rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Paliwanag ng OWWA, hindi nila sakop ang mga aplikante na natulog sa NAIA pero tutulungan na rin nila ang mga ito. Pananagutan umano ito ng mga recruitment agencies kaya irereklamo nila ang mga ito sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat naman ng GMA News Online, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na 1,200 hanggang 1,500 lang ang papayagan nilang OFWs na makakabalik ng bansa upang hindi magsiksikan ang mga ito sa quarantine facilities.

Samantala, nilinaw din niya na ang gobyerno ang magbabayad ng PCR test ng mga OFW, kasama ang mga seafarers.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel