6 na arestadong jeepney driver sa Caloocan, apat na araw nang nakakulong

6 na arestadong jeepney driver sa Caloocan, apat na araw nang nakakulong

- Hindi pa rin nakakalaya ang anim na jeepney driver na inaresto sa Caloocan dahil sa di umano'y pagsasagawa ng protesta at paglabag sa social distancing rule

- Apat na araw na silang naghihintay ng resolution na magmumula pa umano sa prosecutor

- Kapag nailabas na ang naturang resolution, saka pa lamang sila papayagang makapagpiyansa

- Dahil dito, labis na nag-aalala na ang kanilang mga kaanak lalo na at ang karamihan sa kanila ay pawang mga senior citizens na na mayroong karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumipas ang apat na araw at nakalagak pa rin sa detention cell ang anim na jeepney driver na inaresto matapos lumabag sa social distancing rule habang nagsasagawa di umano ng protesta sa Caloocan.

Nalaman ng KAMI na hiling lamang ng mga ito ang tulong gayung wala na silang panggastos matapos ang ilang buwang kawalan ng pasada.

Humihingi lamang daw sila ng pagkain o pangkain gayung hindi lamang sila ang nagugutom kundi ang kani-kanila ring mga pamilya.

Base sa ulat ni Jervis Manahan ng ABS-CBN News, naghihintay pa umano ng resolusyon mula sa prosecutor ang anim na tsuper upang mai-proseso na ang pagpipiyansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa lumilipas ang mga araw, pangamba ng mga kaanak nila ang kanilang kalusugan sa loob ng detention cell.

Dahil dito, hiningan sila ng mensahe upang malaman ang kanilang kalagayan sa loob ng kulungan.

"Wag sila mag alala. Sana kahit papano, tulungan na lang kami magdasal para makalaya na kasi mga pamilya namin wala na makain," pahayag ni Arsenio Ymas Jr., isa sa mga naarestong tsuper.

Nagpapasalamat din sila sa ga pribadong indibidwal na nagpapadala sa kanila ng tulong.

Naipaparating ito sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga kaanak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, nilinaw ni Caloocan police chief Col. Dario Menor na kaya naaresto ang anim na jeepney driver ay dahil tumanggi ang mga ito isantabi ang ginagawang protesta gayung nakakaabala raw ang mga ito sa daloy ng trapiko sa EDSA.

"Maayos naman po iyong panawagan namin. Makikita naman po doon sa video na kuha nila na sila po ay resisting pa rin so talagang nag-insist sila na doon sila," paliwanag ni Col. Menor.

Ayon naman sa CNN, nilabag din umano ng mga tsuper na ito ang social distancing na mahigpit na pinatutupad sa panahon ngayon bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel