Viral na tindero ng kendi na nabigyan ng bisikleta, inulan pa ng ibang tulong

Viral na tindero ng kendi na nabigyan ng bisikleta, inulan pa ng ibang tulong

- Matapos na mag-viral ang video ng pagtulong ng isang bike shop sa 82-anyos na tindero, nabigyan pa ito ng ibang tulong

- Emosyonal ito nang makatanggap pa ng tulong mula sa mga netizens na nakapanood ng kanyang video

- Labis ang pasasalamat niya lalo na sa may-ari ng Carandang bike shop na nagregalo sa kanya ng bisikletang magagamit niya sa paghahanapbuhay

- Maging ang anak ng tindero ay emosyonal habang nagpapasalamat sa tulong na natanggap ng kanyang masipag na ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng pagtulong ni Fe Carandang, may-ari ng Carandang bike shop sa Pasay sa 82-anyos na nakilalang si Carlo Samonte.

Sa naunang ulat ng KAMI, Mayo 15, binabalik-balikan na raw ni Tatay Carlo ang inaasam na bike ngunit kulang ang pera niyang ₱2,000 para rito.

Hanggang sa nito lamang Miyerkules ng tanghali, Hunyo 3 nang i-surpresa siya ng may-ari ng shop at hindi na pinabayaran ang minimithi niyang bike.

Kita sa video ang kagalakan ng matanda dahil malaking tulong ito sa pagpunta niya sa lugar kung saan siya naglalako ng kendi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bago siya magkaroon ng bike, nilalakad niya mula Pasay hanggang Makati para lamang makapaglako.

Dahil dito, marami ang naantig ang puso sa video na ito ni Tatay Carlos at marami rin ang humanga sa may-ari ng bike shop na may mabuting kalooban na magbigay ng tulong sa matanda.

Dumagsa rin ang tulong para kay Tatay Carlos mula sa netizens at labis din siyang nagpapasalamat sa mga ito.

"Napaiyak ako. Lumuha. Natanggal yung pagod ko. Malaking bagay 'yung nagagawa nila. Nagpapasalamat ako," pahayag niya nang makapanayam siya ni Tina Panganiban Perez ng GMA News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang masipag din si Tatay Carlos. Ayon sa anak niyang si Roselyn, hindi na raw nila pinagtatrabaho ang ama ngunit ito lamang daw ang mapilit.

Nag-aalala na rin kasi sila lalo pa at may mga masasamang tao na napapagtripan si Tatay Carlos dala ng kanyang edad.

Gayunpaman, abot-abot din ang pasasalamat nila sa mga nagmalasakit sa kanilang ama at nangibabaw pa rin ang pagtutulungan sa panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel