27-anyos na gurong Pinoy sa Thailand, natagpuang wala nang buhay

27-anyos na gurong Pinoy sa Thailand, natagpuang wala nang buhay

- Natagpuang wala nang buhay ang 27-anyos na Pinoy na guro sa Thailand

- Nakita umano ito sa balkonahe ng tinitirhang apartment Nonthaburi na gumamit lamang ng power cord upang kitilin ang sariling buhay

- May suicide note pa ito na naglalaman ng kanyang dahilan bakit niya ito nagawa

- Sa kanyang mga sinulat makikita rin ang kanyang mga habilin para sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 27-anyos na Pinoy sa Thailand ang natagpuang wala nang buhay sa balkonahe ng kanyang apartment.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Melvin Cacho na gumamit lamang umano ng power cord upang bawiin ang sariling buhay noong Hunyo 2.

Kinabukasan pa siya nakita at naalis ng pulisya ang kanyang bangkay sa inuupahang apartment sa Nonthaburi.

Ayon pa sa Pinothaiyo, guro si Melvin sa Chulalongkorn University Nonthaburi Project.

Dahil sa COVID-19 na patuloy na lumalaganap sa buong mundo, apektado rin ang trabaho ng guro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Natagpuan din ang ilang suicide letter ni Melvin na naglalaman ng dahilan kung bakit niya ito nagawa.

“So stress, anxiety, paranoid, family problem, job problem, money, failed dream. I can’t do this anymore. It hurts,” sinulat ni Melvin.

“Hindi ko na po alam ang gagawin ko dito sa Thailand. Hindi na ako makakain, di manlang ako makauwi sa Pinas,” dagdag pa niya.

Depresyon sa kasalukuyang nangyayari ang naging dahilan ng guro kung kaya pinili niyang kitilin ang sariling buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa sa mga dahilang kanyang nabanggit, naghabilin na rin siya sa kung ano ang gagawin sa kanyang mga gamit at maging sa sarili niyang bangkay.

Agad naman nang naipaalam sa Philippine Embassy at Department of Foreign Affairs ang pangyayaring ito kay Teacher Melvin.

Nakalulungkot lamang isipin nang dahil sa tindi ng krisis na hinahaharap ng mundo, may mga taong nagdedesisyon na magpatiwakal na lamang sa tindi ng problema natin ngayon.

Narito ang video na binahagi ng Trend Me PH:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel