Mayor Sara Duterte, nagkomento matapos lumangoy sa kanal ng mga curfew violators

Mayor Sara Duterte, nagkomento matapos lumangoy sa kanal ng mga curfew violators

- Kumalat sa social media ang mabigat na parusang binigay ng isang barangay sa Davao City sa mga lumabag ng curfew dito

- Ayon sa mga ulat, pinalangoy sa maduming kanal ang mga ito habang may suot na face mask

- Umalma naman ang mga lumabag sa curfew dahil mas delikado pa raw ito kaysa sa COVID-19

- Maging si Davao City Mayor Sara Duterte ay naglabas na rin ng kanyang saloobin ukol sa isyung ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ang parusang pinataw sa mga taong lumabag sa curfew sa Barangay San Antonio sa Davao City habang may community quarantine.

Nalaman ng KAMI na si Davao City Mayor Sara Duterte ay naglabas na rin ng kanyang saloobin ukol sa isyung ito.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nagreklamo ang mga lumabag sa curfew dahil sa matinding parusang pinagawa sa kanila.

Sabi nila, mas matinding sakit pa ang makukuha nila sa maduming kanal kaysa sa kumakalat na coronavirus disease.

“Ang dumi niyan. Sinabihan nila kami na mag-mask eh mas matindi pa ‘yan kaysa sa COVID sa dami ng insekto,” sabi ni Jay Lloyd Purisima.

“Nakainom kami ng tubig niyan. Single father ako tapos ito lang ang kinabubuhay namin ang pamamasada, kukunin pa nila,” sabi naman ni Frederick Matias.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kinundena rin ni Mayor Sara Duterte ang naging parusa sa mga ito. Aniya, dapat ay pinaglinis na lang ng kanal ang mga ito.

"Palanguyin ang isang tao sa kanal? No, it's not humane. What is humane is dapat pinaglinis sila ng kanal," sabi niya.

Samantala, ang mga opisyal ng barangay ay naninidigan na tama ang parusang pinagawa nila para matuto raw ang mga ito.

“Para sa amin tama ‘yon para maturuan sila ng leksiyon kasi kahit anong gawin ng pakikiusap, hindi nakakaintindi,” sabi ni purok leader Lisa Paglinawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa Davao City Police, sasampahan nila ng reklamo ang mga kawani ng barangay na sangkot sa isying ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel