Caloocan Police: 6 tsuper na nagprotesta dahil sa kahirapan, kulong hanggang magpiyansa

Caloocan Police: 6 tsuper na nagprotesta dahil sa kahirapan, kulong hanggang magpiyansa

- Kamakailan ay inaresto ng pulisya ang anim na jeepney driver matapos magprotesta ng mga ito sa EDSA

- Ayon sa hepe ng pulis, ang mga tsuper na nagprotesta ay lumabag sa social distancing na mahigpit na ipinapatupad ngayong may community quarantine

- Dagdag pa nito, mananatiling nakakulong ang mga ito hanggang sa makapagbayad sila ng piyansa

- Hindi rin naman daw nagkulang sa pagbibigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Caloocan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay na ng pahayag ang pulisya ukol sa pagkakaaresto ng mga jeepney driver na nagprotestang payagan na muli silang makabiyahe para kumita ngayong may krisis sa bansa.

Nalaman ng KAMI na ayon sa hepe ng Caloocan police, ikukulong ang anim na tsuper hanggang sila ay makapagbayad na ng piyansa.

Sabi ni Caloocan police chief Col. Dario Menor sa kanyang panayam sa DZMM TeleRadyo, inaresto nila ang mga jeepney driver dahil tumanggi ang mga ito itabi ang kanilang protesta at nakakaabala na umano sa trapik sa EDSA.

"Maayos naman po iyong panawagan namin. Makikita naman po doon sa video na kuha nila na sila po ay resisting pa rin so talagang nag-insist sila na doon sila," aniya.

“Masakit man po iyan ang talagang naging kapalaran nga po kaya nga kami'y nananawagan na huwag daanin sa ganiyang pamamaraan.

“Hindi naman nagkukulang ang gobyerno sa kanila sa Caloocan, binibigyan naman po talaga ng ayuda ang mga iyan,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, inaresto ang ilang miyembro ng transport group na Piston dahil sa kanilang pagsuway umano sa social distancing.

Ang ilang mga miyembro pa nga na inaresto ay may edad na at senior citizen. Kusang sumama umano sumama ang mga ito sa awtoridad dahil ang buong akala nila ay makakausap nila si Caloocan City Mayor Oca Malapitan upang manawagan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula nang ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila ay tigil pasada na rin ang karamihan sa mga drayber dahil mahigpit na ipinagbabawal ang mass transportation.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel