Pinakabatang COVID-19 survivor ng bansa, pumanaw na

Pinakabatang COVID-19 survivor ng bansa, pumanaw na

- Pumanaw na rin ang pinakabatang COVID-19 survivor ng bansa na si Baby Kobe

- Matapos na mailabas ito sa ospital noong Abril 28, muli na naman itong naibalik sa pagamutan dahil sa constipation

- Ala una ng ngayong ara, Hunyo 4 nang i-deklara ng doktor na pumanaw na si Baby Kobe

- Limang araw pa lamang siya nang makumpirma siyang may COVID-19 at naituring na pinakabatang survivor dahil 16 araw pa lamang siya nang ma-discharge siya sa sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Suma-kabilang buhay na rin ang tinuturing ng pinakabatang COVID-19 survivor ng bansa na si Baby Kobe.

Matatandaang siya ang 16 araw na sanggol na naka-recover sa nakamamatay na virus noong Abril 28.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibalitang binalik umano sa ospital ang sanggol matapos na mapansin ng kanyan mga magulang na hindi ito makadumi.

Lumalaki na rin ang tiyan noon ni Baby Kobe lalo na kapag ito ay kumakain kaya naman isinugod na muli ito sa ospital dalawang linggo mula nang ito ay ma-discharge.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ayon sa Rappler, sa National Children's hospital muli dinala ang sanggol na naging kritikal ang kalagayan dahil constipated umano ito at hindi makadumi.

Ngunit hanggang sa mga huling araw ng kanyang buhay, nagkaroon na ito ng impeksyon sa kanyang dugo na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

"Nakausap ko 'yung doktor kagabi at sabi tutubuhan na siya. Pagkatapos, sinabi wala na," pahayag ng ama ni Baby Kobe na si Ronnel Manjares sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Bandang ala una ng madaling araw ngayong Hunyo 4 nang i-deklarang wala nang buhay ang sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukyang nasa Quezon City pa rin ang labi ng sanggol at nangangailangan pa rin ng tulong pinansyal ang kanyang pamilya.

Wala rin umanong masakyan ang ama niyang si Ronnel na manggagaling pa sa Alabang.

Pinoproblema rin niya ngayon ang pagpapalibing sa anak kaya kumakatok pa rin sila sa may mga mabubuting puso upang sila ay matulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel