87-anyos na naglalakad mula Pasay hanggang Makati, naregaluhan ng bisikleta

87-anyos na naglalakad mula Pasay hanggang Makati, naregaluhan ng bisikleta

- Nabigyan ng bagong bisikleta ang isang 87-anyos na tindero ng kendi sa Makati

- Mula Mayo 15, binabalik-balikan na nito ang bisikleta sa isang bicycle shop sa Makati ngunit kulang ang kanyang pera pambili

- Sa umaga maging sa gabi, dumadaan ito sa bike shop upang tingnan ang inaasam na bisikleta

- Araw-araw kasi itong naglalakad mula Pasay papuntang Makati kung saan siya nagtitinda

- Kwento ng may-ari ng bike shop, maging ang anak ng lolo ay dumaan sa kanila upang magpasalamat sa regalo ng mga ito sa kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang 87-anyos na si Carlos Samonte nang iregalo na sa kanya ang pinakamimithi niyang bisikleta.

Viral ang video na orihinal na binahagi ng Juhdel Berido Pagador na kuha sa Carandang Bike Shop sa Pasay City.

Nalaman ng KAMI na mula Mayo 15, araw-araw na dumaraan si Lolo Carlos dahil nais niyang bilhin ang bike na nagkakahalaga ng ₱4,500.

Sa kasamaang palad, ₱2,000 lamang ang pera nito. Mula noon, araw at gabi itong dumaraan sa bike shop sa pagbabakasakaling mabili na niya ang bisikleta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At dumating nga ang araw na pinakahihintay niya. Hunyo 3 nang muli siyang naglakad papuntang Makati upang magtinda ng kendi, dumaan muli siya sa shop.

Doon nakausap niya ang may-ari na si Fe Carandang ng Carandang Bike Shop.

Inakala ni Lolo Carlos na natawaran niya ang bike sa halagang ₱2,000. Dumoble ang kasiyahan niya nang biglang isauli ng may-ari ang ibinayad niyang pera at sinabing regalo na ito para sa kanya.

Bakas sa mukha ng matanda ang labis na kasiyahan at tila hindi makapaniwala sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaking bagay kasi ito para sa kanya dahil hindi na siya gaanong mapapagod araw-araw sa paglalakad mula Pasay hanggang Makati balikan dahil sa bago niyang bisikleta.

Kwento pa ng may-ari ng bike shop, maging ang anak ni Lolo Carlos ay dumaan sa kanila upang magpasalamat sa natanggap na biyaya ng ama.

Narito ang nakakantig ng pusong video mula sa News5 ng pinakamasayang araw ni Tatay Carlos:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel