Imbis na tulungan: Tindero sa Maynila, naloko at binayaran ng pekeng ₱1,000

Imbis na tulungan: Tindero sa Maynila, naloko at binayaran ng pekeng ₱1,000

- Kaawa-awang naloko ang isang tindero ng lemon sa España, Manila

- Hindi niya napansin na peke pa ang ₱1,000 na ibinayad sa kanya

- Ang masaklap pa nito, dumarayo pa ang tindero mula Taytay, Rizal patungong España, Manila

- Nadurog ang puso ng netizens dahil nakararanas na nga ng krisis ang bansa dala ng COVID-19, may mga tao pang nakakaisip manloko ng kapwa imbis na sila ay tulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang tindero ng lemon ang kaawa-awang naloko at hindi napansing peke ang isang libong piso na ibinayad sa kanya.

Ayon sa binahaging post ng Pilipinas Trending Viral, naka-kotse pa raw ang bumili sa tindero at nagbayad ng pekeng pera.

Nalaman pa ng KAMI na dumarayo pa ang kawawang tindero mula Taytay, Rizal patungong Maynila upang makapagtinda lamang.

Nadurog ang puso ng netizens dahil sa kabila ng krisis na dinaranas ng bansa, may mga tao pang nagagawang manloko ng kapwa nila imbis na ito ay tulungan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lalo na sa kaso ng tindero na malamang nito lamang Hunyo 1 muling nakapagtinda dala ng enhanced community quarantine na ngayo'y general community quarantine na sa Metro Manila.

Hangad pa ng post na makahikayat ng mga taong makakapagbigay ng tulong sa tindero lalo na at ito lamang ang kanyang ikinabubuhay.

Isa rin sa inaalala ng netizens ay ang pagbibiyahe nito na hindi man lang naisip ng taong nanloko sa kanya.

Hindi rin maiwasang magngitngit sa galit ng iba sa gumawa nito sa tindero dahil wala raw itong puso sa taong nagsusumikap pa ring maghanapbuhay ng marangal sa kabila ng problemang dala ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe naman mayaman na nga sila naka-kotse pa pala nanloloko lng badtrip nman yun hindi na naawa sa nagtatrabaho ng marangal"
"Ikaw na nakakaangat sa buhay nakuha mo pang manloko ng kapwa mo pumarehas ka ng trabaho... di ka na naawa sa naghahanapbuhay ng marangal"
"Mahirap na nga yung buhay naten at sitwasyon, meron pa rin palang tao na hindi makaunawa katulad ng ginagawa ni Tatay, niloko pa!"
"Sana inisip mo yung kalagayan ni tatay sobrang hirap niya makaraos lang ang araw-araw kung sino ka man sana balikan mu c tatay at bayran mo siya"
"Napakadami talagang mapagsamantalang tao! puro mahihinang tao lang kinakaya nyo, imbis na tulungan niyo, nilamangan niyo pa"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel