Halos 20,000 na! Kumpirmadong kaso ng COVID-19, lampas 750 ang naitala ngayong araw

Halos 20,000 na! Kumpirmadong kaso ng COVID-19, lampas 750 ang naitala ngayong araw

- 751 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw

- 530 ang late cases habang 221 naman ang fresh cases na binahagi ng Department of Health

- 90 naman ang bilang ng recoveries ngayong araw habang walo ang naitalang pumanaw

- 13, 969 naman ang active cases sa ngayon, Hunyo 3

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa 751 ang naitalang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Hunyo 3.

Sa inilabas na datos ng Department of Health, 530 ang late cases habang 221 naman ang fresh cases.

90 naman ang bilang ng recoveries ngayong araw habang walo ang naitalang pumanaw.

Ayon pa sa DOH, 13,969 ang active cases sa ngayon kung saan 795 ang asymptomatic, 13,095 ang mild case, 60 ang severe habang 19 ang kritikal ang kalagayan.

Sa ngayon, 19, 748 na ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

4,153 na ang naka-recover habang 974 naman ang mga namatay.

Samantala, Hunyo 1 nang mailagay sa general community quarantine ang Metro Manila kung saan nasa 50% ng mga manggagawa ay balik na sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Karamihan ay napilitan pa ring maglakad dahil limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad na lamang ng naunang nai-ulat ng KAMI kung saan isang construction worker na nakatira sa Cavite ang magdamag na naglakad patungo sa Makati kung saan siya nagtatrabaho.

Magpapahatid daw ang construction worker na ito ngunit mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-angkas kaya naman minabuti niyang maglakad, makarating lamang sa kanyang trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel