Mayor ng CamSur na isa ring doktor, sumabak na rin sa pagiging frontliner

Mayor ng CamSur na isa ring doktor, sumabak na rin sa pagiging frontliner

- Sumabak na rin sa pagiging isang frontliner ang alkalde ng Camarines Sur na si Mayor Marco Chavez

- Kinulang na raw umano sila ng medical staff kaya hindi na siya nagdalawang isip na gampanan ang isa pa niyang tungkulin

- Na-quarantine kasi ang ilan sa mga tauhan ng rural health unit nila matapos na may mag-positibo roon sa COVID-19

- Nangangailangan pa rin sila ng mga health workers kaya naman humihingi na rin sila ng tulong sa pamahalaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang alkalde ng Camarines Sur na si Mayor Marco Chavez dahil sa pagsabak niya sa pagiging frontliner sa laban kontra COVID-19.

Isa rin kasing doktor ang alkalde at hindi siya nagdalawang isip na gampanan ang isa pa niyang tungkulin bilang doktor.

Kwento ng alkalde, kinulang umano sila ng medical staff matapos na ma-quarantine ang ilang health workers sa rural health unit. Mayroon kasing nag-positibo roon sa COVID-19.

Suot ang kanyang personal protective equipment, humaharap si Dr. Chavez sa kanyang mga kababayan at patuloy pa ring naglilingkod sa mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kailangan ko pong kumilos bilang isang duktor at tumulong kung anumang puwedeng maitulong ko," pahayag ng alkalde sa panayam sa kanya ng DZBB Super Radyo.

Dalawang kababayan nila sa San Jose ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 habang isang barangay naman ang inilagay niya sa lockdown matapos na magkaroon din ng positibong kaso roon.

At dahil sa kakulangan ng mga health workers sa kanilang lugar, nanawagan din ang alkalde sa sinoman ang handang maging volunteer bilang maging frontliner sa kanilang pagamutan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kung sino po 'yung may natapos na po na health profession, pwede rin pong tumulong sa'min. Malaking tulong po 'yun," ayon sa alkalde.

Gayunpaman, nagpapasalamat siya sa kanyang mga kababayang sumusunod sa safety protocols ng kanilang lugar bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel