20-anyos na nanakit at nanlait sa 1 Pinay DH sa SG, umaming guilty

20-anyos na nanakit at nanlait sa 1 Pinay DH sa SG, umaming guilty

- Naghain ng guilty plea ang 20-anyos na binatang nanakit at nanlait sa isang Pilipinang domestic helper noong 2018 sa Singapore na nanilbihan sa pamilya nito

- Ayon sa lumabas na report, binato ng akusado ang kanilang Pinay maid ng isang metal na tasa na tumama sa kaliwang bahagi ng mukha ng biktima

- Bukod dito, dinuraan at ininsulto rin nito ang Pinay na nag-ugat umano sa isang pagtatalo

- Posibleng maharap sa hanggang apat na taong pagkakabilanggo ang akusado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Guilty ang naging sagot ng isang 20-anyos na binata sa Singapore sa reklamo laban rito matapos ang pananakit sa isang Pilipinang domestic helper sa Singapore na nanilbihan sa pamilya nito.

Ayon sa ulat ng Inquirer, inamin ng akusadong si Ng Jia Sheng ang pananakit at pang-iinsulto sa Pinay na si Estabillo Soledad Agustin noong 2018.

Batay sa court documents, sinabing nagkaroon ng argumento ang dalawa sa bahay ng pamilya ng akusado sa Greenwood Avenue sa Bukit Timah noong June 7, 2018.

Nagalit umano si Ng nang sumagot ang biktima gamit ang "irritated manner" matapos nitong utusan ang huli na buksan ang aircon.

Binato pa umano ni Agustin ang remote control sa mesa matapos buksan ang aircon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa dokumento, humantong na umano sa sigawan ang argumento sa pagitan ng dalawa hanggang sa duraan ni Ng ang mukha ni Agustin na agad din naman daw gumanti ng pangdudura.

"During the altercation, the accused told the victim that she was only a maid, was poor and had no right to be in Singapore," sabi ni Deputy Public Prosecutor Zhou Yihong sa korte.

Napaghiwalay naman daw ito ng tatay ng akusado ngunit sinundan pa diumano ni Ng ang Pinay maid sa kusina.

Dito na umano binato ni Ng si Agustin ng metal na tasa na nadampot nito. Tumama ito sa kaliwang bahagi ng mukha ng biktima malapit sa ilong.

Gumanti naman umano si Agustin ng pangbabato habang umiiyak ngunit hindi tinamaan si Ng bago naawat ng kapatid ng binata ang Pinay.

Lumabas umano ng bahay si Agustin at sinabihan ang isang maid na tumawag ng pulis.

Naeksamin din nang araw na iyon ang Pinay sa Tan Tock Seng Hospital at lumabas na nagkaroon ito ng "multiple facial injuries" at fracture sa kanyang ilong.

Ang insidenteng ito ay labag sa Protection from Harassment Act, ayon din sa report.

Posibleng maharap sa hanggang apat na taong pagkakabilanggo si Ng.

Napag-alaman naman ng KAMI na nakauwi na sa Pilipinas ang DH.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel