Emosyonal na liham ni Francis Leo Marcos mula piitan para sa kanyang supporters, viral

Emosyonal na liham ni Francis Leo Marcos mula piitan para sa kanyang supporters, viral

- Usap-usapan ngayon ang di umano'y liham ni Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos sa kanyang mga supporters

- Binasa ito ng isa sa kanyang mga nagpakilalang tauhan dahil kasalukuyang nasa piitan si "FLM"

- Laman ng liham ang pangakong ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong sa kanyang kapwang nangangailangan

- Pinangako pa umano nito na personal niyang pasasalamatan ang kanyang mga supporters sa oras na siya ay makalaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpadala ng sulat si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos sa isa sa kayang mga tauhan upang ipabatid ang kanyang mensahe sa kanyang mga supporters.

Sa pamamagitan ng isang video, binahagi ito ng kanyang tauhan sa FLM TV.

Emosyonal ang liham ni "FLM" kung saan tila wala na rin umano siyang katiyakan sa kung ano man ang maaring kahinatnan ng patong-patong niyang mga kaso.

Ngunit nagawa pa rin nitong ipangako na sa oras na siya ay makalaya, ibubuhos daw niya ang lahat ng mayroon siya upang maipagpatuloy lamang niya ang pagtulong sa kapwa niyang nangangailangan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabanggit din niya sa liham ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ninanais daw niyang pasalamatan ang mga ito ng personal sa paglabas niya sa piitan.

Narito ang kabuuan ng video:

Matatandaang Mayo 19 nang madakip si "FLM" ng NBI dahil umano sa paglabag nito sa optemetry law. Ito ay dahil namahagi siya ng libreng eyeglasses at siya rin mismo ang tumitingin sa mga mata ng binibigyan base sa kumalat na larawan.

Bukod dito, kinahaharap din niya ang mga kasong estafa, qualified human trafficking, at violence against women ayon sa ulat ng Rappler.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, makikita ang video na kuha umano sa kalagayan ni FLM sa piitan.

Doon, inamin din niyang Norman Mangusin nga ang kanyang pangalan ngunit pinalitan daw ito ng kanyang ina ng Francis Leo Marcos noong siya ay 17-anyos na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel