COVID-19 survivor, pinalayas sa inuupahang bahay dahil di nakabayad

COVID-19 survivor, pinalayas sa inuupahang bahay dahil di nakabayad

- Pinalayas ang COVID-19 survivor sa inuupahan niyang bahay dahil dalawang buwan na umano itong hindi makabayad

- Hindi siya nakapagbayad dahil bukod sa tinamaan siya ng COVID-19, wala rin umano siyang hanapbuhay dahil sa naganap na enhanced community quarantine

- Masasakit ding mga salita ang natamo nito mula sa landlady at iyon daw ang dahilan kumbakit nagdesisyon siyang umalis nalang ng mas maaga pa sa Hunyo 15 na kanilang pinag-usapan

- Paliwanag ng landlady, ang paupahan lamang ang pinagkukunan niya ng ikinabubuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang COVID-19 survivor ang pilit di umanong pinapalayas ng kanyang landlady dahil di umano ito nakakabayad ng upa, dalawang buwan na ang lumipas.

Nalaman ng KAMI na isang freelance caregiver ang nangungupahang si Mary Glen Dosal ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Tinamaan siya ng COVID-19 noong Marso at Abril nang siya ay maka-recover.

Sa kabila ng sertipikasyong gumaling na nga siya at negatibo na sa virus, hirap pa rin siyang makahanap muli ng trabaho.

Dahil dito, hindi nakakabayad ng upa si Mary Glen na siyang ikinagagalit ng kanyang landlady na makikita sa binahaging video.

Ayon pa sa ulat ni Ivan Mayrina ng 24 Oras, hindi na rin maatim ni Mary Glen ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng landlady na naririnig pa umano ng kanyang mga anak.

Single mother si Mary Glen kaya naman dagdag pa sa kanyang isipin ngayon ang pagpapalayas na ginawa ng landlady na nakilalang Vicky Mariveles.

Dahil sa makailang beses nang nagtalo ang dalawa, namagitan na ang mga taga-barangay at doon napagkasunduang aalis na lamang si Mary Glen pagpatak ng Hunyo 15.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi na rin umano pinababayaran sa kanya ang ₱7,000 na kanyang hindi nabayarang upa.

Ngunit mas maaga pa sa Hunyo 15 ay nagdesisyon nang umalis si Mary Glen dahil sa patuloy na pang-iipit di umano sa kanya ng landlady.

Sinasabi pa raw nitong may mga sinirang gamit si Mary Glen sa inuupahang bahay.

Paliwanag naman ng landlady, biyuda na raw siya at ang paupahan ang siyang pinagkukunan niya pang-gastos.

Matatandaang, binigyang linaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi maaring pwersahin ng may-ari na magbayad ang kanilang mga tenants ng upa dahil sa pandemya na siyang naging dahilan kung bakit nakataas ang community quarantine sa iba't ibang lugar.

"The grace period will begin either upon the lifting of whatever community quarantine. Puwede siyang hindi pa magbayad or gamitin niya ‘yung memorandum circular on rental natin. Ang 30-day grace period will already commence at the time that she is able to work,” paliwanag ni Undersecretary Ruth Castelo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Taliwas ang pangyayaring ito sa naunang ulat ng KAMI tungkol sa isang paupahan kung saan libre na ang tatlong buwang upa sa apartment.

Bukod pa rito, nagmalasakit pa ang may-ari magbigay ng kalahating sako ng bigas sa bawat pamilyang umuupa sa kanilang apartment dahil alam nila ang hirap ng sitwasyon dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel