Single dad, hinangaan dahil sa kanyang diskarte ngayong lockdown

Single dad, hinangaan dahil sa kanyang diskarte ngayong lockdown

- Bumida sa isang viral post ang isang lalaking sales demo dahil sa kanyang diskarte para kumita ngayong lockdown

- Napag-alaman din na isa itong single dad at sinusuportahan ang kanyang dalawang anak

- Bukod sa pagiging sales demo, suma-sideline pa ito bilang tindero ng kung anu-ano upang may maidagdag sa kanyang income dahil sa apektado ang kanyang trabaho dahil sa community quarantine

- Kaya naman umani ito ng papuri at paghanga sa netizens dahil sa kanyang abilidad at pagiging responsableng ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa community quarantine na dulot ng nakamamatay na novel coronavirus, maraming hanapbuhay ang apektado.

Kaya naman, kanya-kanya nang diskarte ang mga Pinoy para may maitustos sa pangangailangan ng pamilya.

Isa na rito ang kwento ng sales demo na si Albert Flores na nag-viral matapos maibahagi ang kanyang istorya sa Facebook group na Sales Demo Community.

Dahil nabawasan ang araw ng kanilang pasok, nagtitinda na rin si Albert ng pagkain sa mga kasamahan upang may maidagdag sa kanyang kita. Bukod dito ay nagtitinda rin ito ng mga sabon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman ng KAMI na isa itong single dad at ang kanyang pagsusumikap ay para sa dalawang anak.

Sakripisyo rin para rito ang paglalakad mula sa Buendia hanggang Pedro Gil araw-araw habang bitbit ang kanyang mga paninda dahil sa apektado pa rin ang transportasyon sa ating bansa.

Kaya naman hindi na kataka-taka kung umani si Albert ng mga papuri at paghanga mula sa mga netizens dahil sa kanyang abilidad at pagiging responsableng ama.

"Salute to u sir. Yan ang tunay n lalaki, hindi takot s responsibilidad. God bless u sir."
"Ipag patuloy mo lng sir, kaya mo yan :) at pag papalain ka ni God.."
"Nakakaproud gnyan tao bihira sa lalaki gnyan."
"Salute you..bihira Ang lalaki n katulad mo..madiskarte."
"Keep safe po ..proud of u sir para sa fam kakayanin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel