May sakit na OFW na humihingi ng tulong sa viral video, pumanaw na

May sakit na OFW na humihingi ng tulong sa viral video, pumanaw na

- Pumanaw na ang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na may sakit at humihingi ng tulong sa isang viral video

- Makikitang hirap na hirap na ito ngunit sinikap daw niyang mag-video para makahingi ng tulong

- Hindi pa matiyak kung COVID-19 ang ikinamatay nito dahil sa nakitang mga sintomas ng virus sa kanya

- Ibinalita na lamang ng kanyang boss sa kanyang pamilya na pumanaw na ito

- Kasalukuyan na umanong inaayos ng Philippine Embassy ang repatriation ng labi ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw lamang matapos na mag-viral ang video ni Marcelo Tanyag, isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, sumakabilang buhay na rin ito.

Nalaman ng KAMI na Mayo 31 nang ibahagi ng isa sa mga kaibigan ni Tanyag ang video niya na humihingi ng tulong.

Kitang-kita sa naturang video na tila hinahabol na ni Marcelo ang kanyang paghinga at hinang-hina na ito habang panay ang kanyang pag-ubo.

"Pinipilit ko na lang po mag-record kahit hirap na hirap na ako. Sa totoo lang, ilang araw na akong humihingi ng tulong," nabanggit ni Marcelo sa kanyang video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa kanyang salaysay makailang beses siyang humingi ng tulong sa kanilang kompanya ngunit pinababalik lamang siya sa tinutuluyang villa.

Mayo 23 pa nang sumama ang pakiramdam ni Marcelo at nadala naman siya sa clinic at siya'y pinauwi na rin.

Hanggang sa naging malala na ang kanyang lagay kaya naisipan na niyang mag-video upang manawagan ng tulong.

Dahil dito, kahit litaw na ang sintomas ng COVID-19 sa kanya, hindi pa rin ito nakumpirma dahil hindi siya na-test.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa panayam ng GMA News sa kapatid ni Marcelo na si Marjorie, malaki raw ang ibinagsak ng katawan ng kanyang kuya sa ilang araw pa lamang nito na pagkakasakit.

"48 lang ho kuya ko. Nung huli naming picture sa kaniya ang saya-saya niya, mataba, masaya na malakas, sa loob lang ng ilang araw talagang bumagsak yung hitsura niya"

Nagulat na lamang sina Marjorie nang tawagan sila ng boss ng kanyang kapatid at ibinalitang pumanaw na ito.

Kasalukuyan na raw inaayos ng Philippine Embassy ang repatriation ng labi ni Marcelo.

Naulila niya ang lima niyang mga anak na nandito sa Pilipinas.

Narito ang video ni marcelo na binahagi ng Pinoy Abroad Tambayan:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel