Mag-asawang COVID-19 positive, matapang na isinama pa rin ang anak sa ospital

Mag-asawang COVID-19 positive, matapang na isinama pa rin ang anak sa ospital

- Binahagi ng mag-asawang naging COVID-19 patients ang kanilang pinagdaanan sa pakikilaban sa virus

- Malaking pagsubok ito sa kanila lalo na at pareho silang tinamaan ng kinatatakutang virus

- Ngunit ang nakamamangha sa kanila, buong tapang pa nilang isinama ang anak sa ospital kahit pa negatibo ang resulta ng isinagawang rapid test dito

- Makalipas ang ilang araw, bigla na lamang silang nagnegatibo sa virus na parang walang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha at na-inspire sa kwento ng mag-anak ni Eldy Marcelo Dumayag na tinamaan ng COVID-19 nitong Mayo 26.

Kwento ni Eldy, dahil sa contact tracing, nagawan din ng test ang kanyang misis na lumabas na positibo din sa virus noong Mayo 28 habang ang kanilang anak naman na si EG ay negatibo sa virus.

Dahil sa pagpapa-breastfeed pa rin ng kanyang misis sa kanilang anak, minabuti nilang isama pa rin ang kanilang anak sa ospital.

Buong tapang nilang ginawa ito dahil mas kailangan sila ng kanilang anak at hindi nila ito kayang iwan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masasabing tila hindi ligtas ang kanilang anak sa virus lalo na at nasa 30 pasyente ang positibo sa COVID-19 na nakapaligid sa kanila.

Pero tila isang ebidensya ang kanilang anak na hindi raw dapat patalo sa takot na dala ng virus.

Mas napatunayan nila ito nang maka-recover sila ilang araw lamang mula nang sila ay magpositbo sa virus.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang kanilang pamilya na tila napadaan lamang ang virus sa kanila na kinatatakutan ng lahat.

Dahil daw sa karanasan nilang ito, mas lalong tumibay ang kanilang pananampalataya, mas lalong naging matatag ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay na-inspire sa kwento ng pamilya ni Eldy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hindi kayo pababayaan. Yan lang ang naging paraan para lalo kayong maging panatag at manghawak sa magagawa ng Diyos sa buhay natin.Congratulations nakapasa kayo sa pagsubok..."
"Very inspiring. Stay safe mga kapatid"
"Walang dapat katakutan dahil hindi ibibigay ng Ama ang pagsubok na hindi natin kayang lagpasan. Noon pa man alam ko kung gaano katibay ang pananampalataya niyo. Salamat sa Diyos dahil ok na kayong mag-anak."
"Glad to hear the very positive fighting spirit! Great to hear nakarecover kayo"
"Sarap pakinggan ngpapalakas ng loob sa lubos na pagtitiwala sa diyos,god bless"
"It gives me a goosebumps while reading this and made me teary eyed"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel