Apo ng isang PUI, ibinahagi ang naging kalagayan ng lola sa ospital

Apo ng isang PUI, ibinahagi ang naging kalagayan ng lola sa ospital

- Buong tapang na binahagi ng apo ang naging kalagayan ng kanyang lola sa isang ospital sa Maynila

- PUI ang kanyang lola dahil nagkaroon ito ng direct contact sa kamag-anak nilang nagpositibo sa COVID-19

- Bukod pa rito, sasailalim dapat ang kanyang lola sa dialysis session ngunit di ito nagagawa dahil ang prayoridad ay ang mga tinamaan ng virus

- Kahit PUI ang lola, isinasama pa rin umano sila sa tent kung saan may mga kumpirmadong kaso ng COVID-19

- Mas pinili pa umano nilang manatili sa labas ng tent, sa ilalim ng puno, na sa palagay niya'y mas ligtas para sa kanyang lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinalaysay ng netizen na si Maria Mimette Adea ang nagibg karanasan nila ng kanyang lola sa ospital noong Abril.

Naituring na isang PUI Nag 86-anyos niyang lola matapos itong magkaroon ng direct contact sa kamag-anak nilang nagpositibo sa COVID-19.

Mayroon din itong chronic kidney disease kaya kinailangan nitong sumailalim sa dialysis.

Una niyang dinala ang lola sa RITM ngunit wala umanong dialysis doon. Pawang ang prayoridad ng ospital ay mga COVID-19 patients.

Matapos ang limang oras na paghahanap ng ospital, tinanggap ang kanyang lola sa National Kidney and Transplant Institute.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Doon nasaksihan ng apo ang tindi ng mga dinarnas ng pasyente doon at maging ng mga medical staff.

Ipapasok sana sila sa tent kung saan naroon ang mga PUI ngunit nang makita ni Mimette ang kalagayan ng ibang PUI doon na may sintomas ng virus, mas pinili umano nilang manatili sa labas nito kahit pa ito'y nasa may ilalim ng puno.

Tumagal sila roon sa loob ng tatlong araw. Sa tagal na iyon, nakasaksi pa umano si Mimette na mamatayan ng mister ang babaeng nakilala lamang niya sa may tent.

Napakabilis ng pangyayari na labis din nitong ikinagulat.

Kalaunan, nadischarge naman ang kanyang lola. Siya naman ay kinailangang ilayo sa kanyang lola sa kanilang pag-uwi dahil hindi siya ma-test gayung wala naman siyang sintomas.

Nabalitaan na lamang niyang binalik sa ospital ang lola kung saan kasambahay lamang ang kasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasamaang palad, pumanaw din ito.

Paliwanag ni Mimette, wala siyang sinisisi sa mga nangyari.

Sinabi niyang binahagi niya ang post upang malaman ng publiko ang hirap nang ma-ospital sa panahon ngayon.

Kaya ngayong naka-general quarantine na ang Metro Manila, paalala niyang huwag pa ring lumabas kung di kinakailangan. Ang COVID-19 ay nasa tabi-tabi lang, na maari nating makuha anumang oras

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel