Empleyadong nakatira sa Cavite, magdamag naglakad para makarating sa trabaho sa Makati

Empleyadong nakatira sa Cavite, magdamag naglakad para makarating sa trabaho sa Makati

- Gabi palang ay naglakad na ang isang lalaki mula sa Cavite upang makarating sa kanyang trabaho sa Makati

- Isa siyang construction worker na sasailalim sa rapid testing bago makabalik trabaho sa Makati

- Nang makapanayam ang lalaki, dalawang oras na raw itong naglalakad bandang Parañaque City

- Magpapahatid sana siya sa mayroong motor ngunit ipinagbabawal ang pag-angkas kasi tiniyaga na lamang niya ang paglalakad

- Pakiusap nito na sana'y payagan nang mamasada ang mga pampublikong sasakyan dahil mahirap sa tulad niyang walang kotse o bike na maaring magamit sa pagpasok sa opisina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang empleyado mula Cavite ang matiyagang naglakad patungong Makati City kung saan naroon ang kanyang trabaho.

Nakilala ang lalaking ito na si Leonel Antones, isang 36-anyos na construction worker na sasailalim sa rapid testing.

Isa raw ito sa requirements bago siya tuluyang makabalik sa kanyang trabaho sa Makati.

Sa panayam ni Mai Bermudez ng GMA News kay Leonel, kinuwento nitong dalwang oras na umano siyang naglalakad.

Magpapahatid daw sana siya sa mayroong motor ngunit mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-angkas kaya naman gabi pa lang, naisipan na niyang maglakad upang maagang makarating sa destinasyon.

Di alintana sa kanya ang panganib sa paglalakad niyang mag-isa sa daanan dahil wala naman daw umanong makukuha sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pakiusap lang sana ni Leonel na pahitulutan na raw ng pamahalaan na manumbalik na sa pamamasada ang mga pampublikong sasakyan.

Sadyang mahirap sa tulad niyang walang sasakyan ang pagpasok sa trabaho.

Kawawa naman yung mga taong nahihirapang maglakad sa kagustuhan na makapasok," pagtatapos ni Leonel.

Mula pa nang itaas ang enhanced community quarantine hanggang ngayon na nasa general community quarantine na ang Metro Manila ay ipinagbabawal pa rin ang pag-angkas sa motor alinsunod sa social distancing ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Samantala, umapela naman si Senator Nancy Binay sa DOTr kaugnay sa pagpapahintulot nito na pumasada na ang iba pang pampublikong sasakyan para sa mga empleyadong hirap na makapasok sa kanilang trabaho dahil sa limitadong dami ng sasakyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Philippine Star, tila hinamon pa ng senador na mag-commute o maglakad din ng mga taga-DOTr patungo sa kanilang trabaho upang maranasan nila ang hirap ng mga commuter.

"Mabuti sila't aircon ang mga sasakyan. Eh kung subukan kaya ng mga opisyal ng DOTr mag-commute mula sa kani-kanilang bahay papasok sa opisina nila (sa Clark City o Ortigas)?" pahayag ng senador.

Hunyo 1 nang ilagay na sa general community quarantine ang Mettro Manila at bhagyang nakabalik na sa trabaho ang ilang empleyado. Ngunit hanggang ngayon, puro daing pa rin sa kanilang pagpasok at pag-uwi ng trabaho ang naiiulat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel