Kilig! 2 matalik na magkaibigan, inabot ng lockdown sa Baguio at doon nagka-aminan ng feelings

Kilig! 2 matalik na magkaibigan, inabot ng lockdown sa Baguio at doon nagka-aminan ng feelings

- Kinagiliwan ng mga netizens ang kakaibang love story ng magkaibigang pumunta sa Baguio

- Kwento nila, inabutan sila ng lockdown sa Baguio at doon ay nagkaaminan sila ng feelings nila

- Naka-uwi na silang dalawa ngayon at naging magkasintahan na ang dating matalik na magkaibigan

- Plano nilang dalawa na makapag-date sa labas na hindi na kailangang mag-face mask pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng dalawang matalik na magkaibigan na inabot ng lockdown sa Baguio kamakailan lang.

Nalaman ng KAMI na noong nasa Baguio sila ay doon na rin sila nagka-aminan ng kanilang nararamdaman para sa isa’t-isa.

Ayon sa ulat ng Saksi, matagal nang crush ni Jex Vilar ang kanilang kaibigang si Zaldy Faller.

“Naging crush ko siya since 2008,” kwento ni Jex.

Tinanong na lang daw ni Zaldy ang kanyang kaibigang si Jex kung, “Ano? Tayo na ba?”

Nakabalik na sa Maynila ang magkaibigan na ngayon ay magkasintahan na. Pero, hindi pa sila pwedeng mag-date sa labas.

"Plano naming mag-date na hindi na makapag-facemask!" sabi ni Jex.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, maging ang mga netizens ay kinilig sa kakaibang love story nilang dalawa. Narito nga ang mga komento nila:

“Kung alam ko lang na posibleng mangyari yun ganito inaya ko na sana yun crush ko chos”
“Sana all! Whahaha”
“parang covid virus ang love, tinamaan ka na pala kahit walang sintomas. malalaman mong infected ka na kapag malala na ang nararamdaman mo. happy for you!”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong March 17 ay sinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine. Sa ngayon ay may mga bagong kaso pa rin ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel