Mga magulang, ibinahagi ang hirap sa online enrollment ng mga pampublikong paaralan

Mga magulang, ibinahagi ang hirap sa online enrollment ng mga pampublikong paaralan

- Sa ngayon ay online enrollment pa lang ang pinapayagan sa mga pampublikong paaralan

- Kwento ng ilang mga magulang, mahirap ang bagong proseso nito lalo na at may krisis ng COVID-19

- Ang ilan nga ay pumupunta pa sa mga computer shop para lang ma-enroll ang mga anak nila

- Pagdating naman ng June 15 ay pwede nang pumunta sa mga paaralan ang mga magulang para kumuha ng enrollment forms

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayong may banta ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, patuloy pa rin ang enrollment sa mga pampublikong paaralan na nagsimula nitong Lunes.

Nalaman ng KAMI na aminado ang mga magulang na kahit gusto nilang makapag-aral ang mga anak nila ngayon ay mahirap din ang bagong proseso sa pag-e-enroll.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, ibinahagi ng nanay na si Elena Lopez na kahit na nasira ang laptop niya ay nagawan niya ng paaraan na ma-enroll ang mga anak at apo niya.

“Itong laptop ko po nasira po e ‘di ko na po napaayos kasi bigla pong nagka-COVID, siyempre priority ko po ‘yung pambili ng pagkain ng mga bata,” aniya.

“‘Di po ako fluent na gumamit ng computer. E ngayon parang napakataas na ng mga standard ng paggamit ng computer, may mga apps,” dagdag niya pa.

Ang iba namang mga magulang na walang laptop o Internet connection ay naghanap na lang ng mga computer shop para rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay online enrollment pa lang ang pinapayagan hanggang sa June 12. Pagdating ng June 15 ay pwede nang pumunta ang mga magulang sa paaralan para kumuha ng hard copy ng enrollment forms.

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na ayon sa DepEd, hindi kailangan ng mga magulang na bumili ng laptop para lang ma-enroll ang mga anak nila.

Sa ngayon, nakatakda pa rin magsimula ang mga klase sa darating na ika-14 ng Agosto.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel