Grupo ng mga gwardya, 4 na oras na nag-aabang ng masasakyan papunta sa trabaho

Grupo ng mga gwardya, 4 na oras na nag-aabang ng masasakyan papunta sa trabaho

- Ilang mga Pinoy ang hirap pa rin makahanap ng masasakyan ngayong general community quarantine sa Metro Manila

- Isang grupo ng mga gwardya ang apat na oras nang naghihintay pero wala pa rin silang masakyan papunta sa trabaho

- May mga nag-aalok naman daw na isabay sila pero nagpapabayad ang mga ito ng P50 hanggang P100 kada tao

- Samantala, nagbahagi rin ng saloobin ang mga netizens ukol sa sitwasyon ng mga gwardyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayong ipinatupad na ang general community quarantine sa Metro Manila, mas maraming mga Pinoy na ang pwedeng bumalik sa trabaho nila.

Nalaman ng KAMI na maraming mga Pinoy pa rin ang hirap makahanap ng masasakyan dahil hindi pa rin pwede sa ngayon ang ibang mass transportation.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, apat na oras nang naghihintay nang masasakyan ang grupo ng mga gwardya sa EDSA-Cubao. Papunta sana ang mga ito sa kanilang trabaho sa Guadalupe.

Sabi nila, inaalok naman sila ng ilang mga motorista na maki-sabay. Subalit, pinagbabayad sila ng P50 hanggang P100 kada tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, ang mga netizens naman ay nagbahagi rin ng kanilang saloobin sa sitwasyon ng mga gwardya ngayong general community quarantine. Narito ang kanilang mga komento:

“Ang hirap tlga sitwasyon pag empleyado ka,may trbho ka nga doble Doble nmn nagagasto mo sa pamasahe . Kahit anong sikap mo pra lng may mapakain sa pamilya mo Peru Ang sahod mo napupunta Lang lahat sa pamasahe. Mahirap na nga mas Lalo lng tuloy naghihirap.”
“Dapat sana etong mga companies nila ang mag provide ng kanilang shuttle service”
“ Kawawa naman mga guard no work no pay..sana bigyan pansin ng gobyerno to may pamilya rin sila na kailangan nila pakaiinin..mahirap mag bantay at nakatayo ng ilang oras pahinga lang nila pag kakain at mag cr..."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naiulat ng KAMI na ipinatupad na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine sa buong Metro Manila at iba pang lugar simula noong June 1.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel